Thursday, May 21, 2009

inner drawing

...bago lang 'to, habang nagpapalipas ng oras...isa sa mga paborito kong banda ang THE CURE, tapos naisipan kong i-drawing sa tulong ng inner dancing...eto po lumabas!

Kakatuwa, hehehe....

Photobucket
Si Robert Smith ng The Cure...wehehe, 'di lang pala mga patay na tao ang kaya kong i-drawing....

Bookmark and Share

Saturday, April 11, 2009

Ang sayaw Part 3

At nag-inner dance nga ako sa loob ng van na sinasakyan ko papuntang Davao. Pinagtitinginan ako ng tao o ng mga katabi ko, pero, wala akong paki, diretso lang. Nang makarating na ako ng Davao, okay na okay ang pakiramdam ko.

Siyempre, masarap ang feeling, energized, kaya ang ginawa ko eh, gimik na kaagad pagdating ng Davao. Nagkataon n’un na may gimik ang mga kaibigan ko kaya sumama na rin ako. May free concert noon sa may Matina Town Square o MTS, parang Kadayawan yata ang selebrasyon.

Tapos n’ung pumunta ako, may mga nagsasayaw na sa may parke, mga katutubong sayaw at pigil na pigil ko ang sarili ko, dahil gusto kong sumali sa kanila! Mabuti na lang at napigilan ko, hehehe, kakahiya naman…marunong din naman pala akong mahiya…’dami kasing tao eh!

Gabi na noon, tapos nakita ko na mga kaibigan ko…inom dito…nood d’un…tapos n’ung pahuli na, maganda na ‘yung konsyerto, halos nagsasayaw na lahat kaming nanonood, bigay na bigay! At ako, well, indak dito at indak d’un, pero sa totoo lang, nag-i-inner dance ako…nasa public pero hindi halata, hehehe!

Natapos na si konsyerto…at umuwi na ako.

Kinabukasan,since nag-inner dance na ako, gusto ko pa ulit.

Pero, nang ako na lang mag-isa…parang ang hirap. Nag-i-inner dance nga ako, pero, mabigat…parang pilit ang sayaw…nakakailang, mahirap, lisod kaayo.

Nakailang ganitong pakiramdam ako, tapos parang nawawala….

Tapos, mortal po ako, tao lang…nang medyo kinati, tawag ng laman at nakipag-sex ako…ayun, lalong nawala! As in, wala na talaga uli….

Siyempre, nalungkot ako.

Matagal na uli bago ako nakasayaw, kasi, naghintay pa uli ako ng schedule na pauwing main office naming para makapagsayaw o ma-jump start ika nga. Halos isang buwan ang nakalipas. Ang pakiramdam ko – malungkot, mabigat ang katawan, parang may kulang.

Makalipas nga ang isang buwan, nakabalik ako sa main office namin. May naengganyo na bagong kaibigan na mag-inner dance, nakisabay na lang ako.

Pagdating d’un, tanong ko kaagad kung bakit nawala. Sabi n’un ni Pi, ‘di daw ‘yun nawala…parang nagtago lang, kasi, ini-expect ko daw parati, eh p’pag gan’un, lalong hindi lalabas…dapat, wala lang…relax, hayaan lang, at walang iniisip.

Nang mag-session kami, kasama ang isang kaibigan, si Jeffrey Tupas, dalawa kaming naka-schedule. Ako, naman, siyempre, maski nasabihan na kung ano dapat ang iisipin o hindi dapat isipin, gan’un pa rin. Excited eh, ang kulit!

N’ung mag-session na…ang tagal, ang tagal kong nakaupo lang…samantalang ‘yung kasama ko, nagsimula na.

Kakaiba ‘yung naging sayaw niya. Kasi, ginawa nyang parang drum o tambol ang kanyang katawan at lumikha siya ng tunog namay ritmo. Kung papakinggan mo ‘yung tunog, mapapaisip ka, hindi mo alam kung paano nya nagawa ‘yung mga tung, aling parte ng katawan nya ang ginamit nya at higit sa lahat, ‘di kaya masakit ‘yun? Masakit ‘yun kasi ang lakas ng tunog, lagapakan!

Siyempre, ako, inggit na inggit. Wala pa rin kasing nangyayari sa akin.

Hindi gumagalaw ang katawan ko…walang sayaw! Nakapikit at nakaupo lang…naghihintay.

Pero…

…may iba akong nakikita naman…mga dolphin…naglalangoy…kulay asul sila? Maraming bula. Parang monochromatic ang dating o itsura ng nakikita ko…palayo sila…tapos coral reefs…maraming koral, parang mga patay…walang isda, tapos pula ang tubig…lahat ng nakikita ko kulay pula…parang dugo!

Tapos, parang nagising na ako, takot, tapos na pala ang session.

Pahinga muna, then usapan. Tanong sa mga nangyari…ako siyempre, maraming tanong…una bakit hindi ako nagsayaw? Sagot, inexpect ko na naman kasi. Tapos tinanong nya ako kung may nakita ako. Tapos kinuwento ko nga. Sabi nya, ‘yun daw ang naging sayaw ko, o manifestation ng sayaw ko…visions…tapos habang nag-uusap kami…napansin nya na parang naiilang ako. Tama nga siya…kasi iba ang nakikita ko sa harapan ng kausap ko…may iba akong nakikita!

Habang kausap ko ‘yung kausap ko, parang may t.v. na naka-impose sa kausap ko at hayop ang nakikita ko. Tumingin ako sa iba…ibang hayop naman. Sinabi ko sa kanila kung anong hayop nila ang nakikita ko…tapos ‘yun nga…sabi nya, visions nga…animal spirit naman ang nakikita ko…animal spirit ng tao ang nakikita ko…ang ganda ng dating eh…parang may projector sa unahan!

Tapos habang nag-uusap kami…may visions na naman…sabi ko, para akong naglalangoy…sabi nya, ikwento ko lang daw…tapos ipikit ko raw mga mata ko, para mas makita ko…ipinikit ko nga. Wala akong nakita, iminulat ko uli…may visions uli…sabi ko, mas okay kapag nakamulat, at ikinuwento ko kung ano nakikita ko.

‘yun nga, naglalangoy ako…malinis na tubig…masarap maglangoy…nakatingin ako sa araw, mula sa ilalim ng tubig…may dumaan na anino…parang bangka ang dumaan…sinundan ko ang bangka…umahon sa tubig…mamang nakasalakot ang nagsasagwan sa bangka…nasa pampang na siya…sinalubong siya ng pamilya nya…babae…nakatapis at kamison…at anak nilang batang lalake…kubo…ang ganda ng tanawin..bundok sa likuran nila. Tinanong ni Pi kung saan ang setting…akala ko, Vietnam, gawa ng salakot na patilos…sumilip ako sa bahay…may watawat, pilipinas nga! Teka, parang pamilyar ang setting…parang sa mga pinta ni Amorsolo ang dating! Tinanong ko, ano ako n’un…tingnan ko raw sarili ko…may buntot…sirena! Tangek, hehehe, ambisyosa, ilusyunada! Dolphin ako…naging dolphin ako.

So, ‘yun ang bagong manifestation ng sayaw ko…hindi physical na sayaw…time travel at visions. Tapos kinuwento ko pa ‘yung isang nakita ko ‘yung pula na corals. Sabi niya, hindi maganda ‘yung nakita ko…”death of a system” daw kasi ‘yun…lalo na ‘yung pulang tubig o dugo.

Tapos,napunta ang kwentuhan sa mga dolphin, kasi halos lahat kami d’un sa session, may vision pala ng mga dolphin…o nagpakita sa amin ang mga dolphin…isa lang daw ang ibig sabihin ‘nun…nagpapaalam na sila sa mundong ito…aalis na sila. Hindi man sila nakalista sa endangered species, pero sila na raw ang susunod na ma-extinct sa mundo na ito…nakakalungkot at nakakatakot naman!

Ngayon ko lang naisip, habang sinusulat ko ito, may mga kakaiba nga palang nangyari sa mga dolphin sa ating bansa at sa ibang bansa nitong nakaraang buwan lang. Dagsa-dagsang mga dolphin, lampas isandaan ang bilang, ang pumunta noon sa pampang, at parang gustong magpakamatay, beaching ang tawag dito…sa parteng Batanes ‘yun, tapos ilang araw o linggo, sa ibang bansa naman, gan’un din ang nangyari…at walang makapagpaliwanag kung bakit nangyari ‘yun! Hmnnnn….

Balik tayo n’un…tapos, nagpahinga na kami n’un.

Kinabukasan, maaga kaming nagising at sa hapon pa naman ang luwas pa Davao, humirit pa ako ng isang session, dahil gusto ko talagang magsayaw.

Tatlo lang kami, ako, si Jeff, tapos si Bong ang nag-facilitate sa amin.

Walang musika n’un, mag-experiment daw kami…kung ano raw lang daw ‘yung naririnig namin sa paligid, ‘yun daw ang magiging musika namin.

At ganun nga ang nangyari. Si Jeff,’yung kasama ko, konting sandali lang, nagsayaw na uli kaagad…human percussion na naman…ako, wala lang.

Tapos, bugnot na naman, masama ang loob, gustong magsayaw, pero ayaw na naman…pero..may kakaiba na namang pakiramdam!

Para akong nakasakay sa roller coaster…taas baba. Pataas, pababa…bumubulusok! Tapos, may mga imahe akong nakikita…sibilisasayon…parang kastilyo namaraming tusok tusok, maiitim na makinis o makintab…tapos parang Atlantis…marble na puti na makinis na nasa loob ng isang dome!

Tapos…dagat na itim..gabi kasi kaya makintab o makinang na itim ang tubig…tapos may mga simbolo sa ibabaw ng dagat…mga bilog…itim na bilog sa gitna ng malaking bilog na puti…pito sila..magkakadikit…pinagdidikit ng mga linya…parang may pattern ang pagkakadikit nila….

Tapos…roller coaster na naman…gising na uli…tapos na session.

‘yun, diskusyon uli…talaga raw ayaw muna akong pagsayawin…ibang manifestation talaga ng inner dance ang lumabas. Time travel at astral projection daw ginagawa ko. Tinanong ko kung ano ‘yung mga nakita ko…lalo na ‘yung bilog-bilog, hanapin ko na lang raw, malalaman ko raw ‘yun.

Pauwi na, napadaan ako sa office ng bosing ko…napansin ko, may globo d’un na may mapa ng mga pormasyon ng mga bituin o konstelasyon. Out of curiosity, parang na-magnet ako na tingnan…humanap ako ng konstelasyon namay pitong bituin…’di ko makita…sabi ng kasama ko, Pleiades, ‘yun dawang hanapin ko….

Nahanap ko nga, pero, iba naman…pero teka, baligtarin ko kaya…at iyun nga! Reflection kasi sa dagat ‘yung nakita ko, kaya baligtad sa kalawakan! Kalimitan daw, sa mga psychic, ‘yun daw ang parating nata-tap nila… kalimitang nagpapakita o nagpaparamdam.

Ayun, kahit papaano, nasiyahan na rin ako, kahit hindi nakapagsayaw. Umuwi na ako n’un ng Davao. Hindi na ako nagsayaw sa van.

Naghintay uli ako n’un ng isang buwan para makauwi uli sa main office…at doon, nakapagsayaw na uli ako…at ibang manifestation na naman ang naranasan ko.

Ito na ‘yung masahe…kung ano ako ngayon…sa susunod na uli…mahaba na eh!



Bookmark and Share

Wednesday, March 25, 2009

May napasayaw na naman!

Noong nakaraang Sabado, ika-21 ng Marso, taong 2009, naanyayahan ako sa isang piging na inihanda ng mga mag-aaral ng isang kaibigan ko...

..ngek, masyadong pormal!

Ulit.

Wala lang, naanyayahan lang ako sa isang Foodfest ng isang klase ng kaibigan ko sa UPLB. Pumunta raw ako at makisalamuha daw sa mga estudyante nya (well, sa totoo lang, naka-feature daw ako sa mga exam nya...whoah!).

So, ayun na nga, nakaldkad ko ang isa ko pang kaibigan ko na kaladkarin, si Bjorn, pumunta kami sa bahay nya, d'un kasi ang venue.

Pagdating namin d'un, tama lang, eating time na...daming pagkain! Take note, vegetarian dishes....dami talaga!

Enjoy! Busog!

Tapos, pahinga, chicka...tapos simula na konting presentation, kung ano "inner dance"...then, maraming tanong! 'buti, dala ko trusted kong flash drive at pinanood ko na lang n'ung "dancer within" na video.

Tapos, as usual, "minasahe" ko lahat ng tao d'un...mga mahigit 20 siguro...

Tapos, n'ung nasa panghuli na kong minamasahe, si Sam (isa sa mga graduate student, na parati ko na rin siyang namasahe), malapit lang at tumutugtog kasi n'un 'yung kaibigan ko na si Bjorn ng wooden xylophone na nakita nya lang d'un, medyo naging "kakaiba" na 'yung masahe ko sa kanya. Mas madalas na pinagagagalaw ko na ng katawan niya, ika nga eh, pinapagiling!

Para talagang sumasayaw na siya sa saliw ng tinutugtog ni Bjorn.

Ang ginawa ko, pinuntahan ko si Bjorn at sinabi ko sa kanya, ituloy nya lang pagtugtog, tapos, ipikit nya mga mata nya, para 'di siya ma-conscious o mahiya o sa ginagawa nya.

Tapos, binalikan ko si Sam, sabi ko, ipikit nya mga mata nya, tapos pakinggan nya lang ang musika, namnamin, relax, at kung ang katawan nya eh parang may gustong gawin, gawin nya lang.

'yun nga nangyari, ilang segundo lang, nag-inner dance na siyang mag-isa!

Tapos, may nakaupo na ibang estudyante na nonood, tinanong ko kung gusto nya, umoo naman. Kaya ayun, pagkalipas ng ilang minuto, nag-inner dance na rin!


At eto ang nakakatuwa, kasi, 'yung musika, okay na ang tunog, may rhythm na at okay na pakinggan, paglingon ko kay Bjorn, nag-i-inner dance na rin pala siya! Hahaha! Tuwang-tuwa ako, kasi, kung pormal na aanyayahan ko 'yung mag-inner dance, di siya papayag at ookrayin nya lang ako. Kaso, nakapag-inner dance siya ng 'di oras, wehehehe!

Tapos, sumunod na rin 'yung isa pang estudyante (graduate student din), tapos si Ate Rina at si Ma'am Pam naman. Medyo alinlangan pa nga si ate Rina, kasi maliit 'yung lugar, baka daw magpagulong-gulong nanamn siya eh masagi 'yung iba. Sabi ko hindi, mag-a-adjust 'yan. Nag-adjust nga, naka-lotus sitting position lang siya, at upper body part nya lang 'yung nagsayaw ng husto.

Si ma'am Pam naman, una, nakatayo, at iwinawasiwas lang kamay sa likod ng estudyante, mayamaya, nag-inner dance na rin!

Apat 'yung sabay-sabay!

At siyempre, ako sa gitna, wehehehe....

Nang matapos na, sabi ko, pahinga muna, namnamin ang mga nangyari, at mayamaya ang QandA.

Iisa ang gusto ng lahat: TUBIG.

Tapos, 'yun, dami ngang tanong...okay naman daw.

Hehehe, aliw, sarap ng feeling!

Bookmark and Share

Sunday, March 15, 2009

Ang sayaw Part 2

Tanda ko n’un, isang lingo ang nakalipas pagkatapos ng mga nangyari sa Ponce Suites, bago ako nakapagsayaw na talaga ng inner dancing.

Hapon o pagabi na ako nakarating nga Batasan, Makilala,Cotabato. Mahigit dalawang (2) oras ang byahe galing Davao. Doon kasi ang main office namin at nag-schedule ng session para sa inner dancing. Alam ko n’un, nauna na’yung bosing ko at iba pang mga kasamahan na mag-inner dancing, kaya talagang pinauwi ako para subukan daw.

Pagdating ko d’un, naghapunan na muna’t nagpahinga ng kaunti, saka umakyat sa may Trinitas para mag-session.

Naroon ang isa ko pang kaibigan, si Rosalie o Rose kung tawagin namin ng Enigmata, at isa rin siya sa mga nag-facilitate ng inner dancing. The usual na set-up, malawak na lugar, patay ang ilaw, kandila lang ang ilaw, insenso o scented oil at musika.

May nauna na sa aking isalang, o nag-i-inner dancing na, ako medyo nainggit, sabi ko na lang sa sarili ko, ako din!

Ako na. Umupo sa sahig at ipinikit ang mata. Nagdasal, kasi parang medyo natakot ako. At Nakiramdam.

Nakiramdam.

Sa isip ko, wala namang nangyayari…tapos, may kumukurot-kurot pa sa ‘kin sa braso. May sumusundot-sundot pa sa likod ko. Kinakagat-kagat (?) ang talampakan ko.

Ako, nakiramdam lang.

Tapos, ang paa ko, pilit pinagagalaw. Pinagdampi ang mga pisngi ng mga talampakan namin at pilit na ginigiya ang aking mga paa para gumalaw. Ako, wala lang…pagbigyan. Nakakiniis na nga eh.

Wala pa rin.

Tapos, mayamaya, ng parang nainis na ko sa sarili ko, at walang nangyayari, hinayaan ko na nga lang. Inalis lahat ang nasa isip ko.

Biglang may kakaibang naramdaman.

Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko! At biglang nagdilim. Maski naman nakapikit ka eh alam mo naman ang paligid mo kung maliwanag o hindi. Tapos, parang may disco lights. Patay-sindi ang mga ilaw at ang dami. Nasa spotlight yata ako? Tapos pulang araw? Nakatutok o nakatingin ako diretsa sa pulang araw? Iyan ang mga nasa isip ko n'un.

Gumagalaw ang kamay ko…kusa!

Sumunod ang katawan ko…mga paa ko…naiinis ako! Bakit sila gumagalaw? Pilit kong gustong itigil, pero mas gusto ko na gumagalaw sila ng sarili nila!

Bakit gan’un? Tanong ko sa sarili ko.

Nagpagulong-gulong ako sa sahig.

Pati mga paa ko gumagalaw na rin. Parang elisi ng helicopter ang mga paa ko! Umiikot!

At ako, umaangil!

Tapos, tumayo ako, at patuloy pa rin ang pagsayaw. Nag lambot ng katawan ko…teka, hindi ako marunong magsayaw, bakit malambot ngayon ang katawan ko sa pagsayaw? Tanong ko sa sarili ko.

Tapos, ang mga kamay ko, parang sa mga taga-Thailand ang sayaw. Parating wavy ang movement. Maski mga daliri ko, hindi ko makontrol, malantik na malantik! Tapos, parang mga elisi pa uli, umiikot ng mabilis ang mga kamay at braso ko!

At umaangil pa rin ako! Inis na inis!

…pero masarap….

Tapos, patuloy lang ang pagsayaw ko…tapos, sa isip ko, habang nakapikit pa rin, iba na ‘yung nakikita ko…malalim na balon…ang lalim-lalim! Hindi ko makita ang pinakailalim.

Tapos, parang gumaan uli, parang may flash ng kamera, dumilim uli at iba na uli nakita ko. Mga nakalutang na bato. Malalaking bato. Nakalutang. Nakahilera, parang asteroid belt…pati background, parang space. Tumingin ako sa paa ko, nakatayo pala ako sa isa sa mga malaking bato.

Tapos, may flash uli, dumilim na uli at nagmulat ako.

Unang salita ko, “pahinging tubig”.

Nakalimang basong punong-puno ng tubig, sunod-sunod kong nilagok. Pawisan at pagod na pagod ako.

Nang medyo nahimasmasan na ako, saka ko lang napansin, sa akin pala nakatingin ang lahat. Tapos, niyakap nila ako at mga nakangiti.

Pahinga muna…at siyempre puro tanong!

Sinabihan muna akong huwag mag-isip ng mga tanong, damhin at lasapin ko raw muna ang mga nangyari.

Naupo kami at ikinuwento sa akin ang mga pinaggagawa ko.

Grabeh, nakangiti lang ako…hindi ko akalain na gan’un ang mga pinaggagawa ko.

At hindi ako makapaniwala, nakapagsayaw ako! Hahahah!

Ang sarap ng pakiramdam at ang gaan ng katawan. Tapos, kapag nagsasalita ako, tungkol sa mga naranasan ko, kasabay ng paggalaw o pagsayaw ng mga kamay ko.

Mga tanong at kasagutan. Catharsis na pala ‘yung ginawa ko, sa porma ng pagkainis o pag-angil. Nag-out of body experience ako o astral travel daw ako. Sa space pa raw! Kasi planetang Saturn daw ‘yung lugar na pinuntahan ko base sa pagkakalarawan ko. Ang sarap ng pakiramdam.

Apat (4) na oras o maghigit pa pala akong walang tigil sa pagsasayaw noon.

Ang sarap ng tulog ko pagkatapos.

Kinabukasan, pumunta muna kami sa may hot spring sa itaas at meron d’ung parang maliit na swimming pool. Doon nag-inner dance pa rin kami. May baon na i-pod at speakers para sa musika. Maski sa tubig, eskandalosa pa rin ang sayaw ko. Paikot-ikot ako sa tubig! Ang galling at ang sarap ng pakiramdam! Maski paghinga sa ilalim na sa ritmo ng inner dance. At ramdam na ramdam ko ang enerhiya sa tubig!

Kinahapunan, balik na uli akong Davao at…maski nasa van ako n’un, galaw ng galaw o nagsasayaw ang mga kamay ko. Pumuwesto ako sa pinakahuli para hindi masyadong pagtinginan ng mga pasahero. Kaso, ‘yung katabi ko naman ang tingin ng tingin sa akin. Wala kong pakialam, masarap gawin eh, heheheh.

Kaya hanggang Davao, nag-i-inner dance ako.

Heps, may nangyari pa pagkatapos, pero sa susunod na uli….



Bookmark and Share

Friday, March 6, 2009

May napasayaw ako!

Noong miyerkules ng gabi, naengganyo ko na mag-inner dance session kami ng mga kaibigan ko. Inner dance session talaga, hindi "masahe" lang!

Doon kami sa bahay ng kaibigan ko, si Pam, nag-session. Medyo malawak kasi eh. Tapos siya at 'yung kapatid nya na si Rina ang nagsayaw.

Okay nga nag nangyari eh...nagsindi lang ako ng scented candle, tapos pinatay ko na ang ilaw. Nagpatugtog ng musika na medyo meditative ang dating - ang napili namin, "songs of the whales". Pinaupo ko na sila, tapos si Rina, sabi ko, relax lang. Huwag mag-expect ng kung ano pa man. Huwag matakot. Mag-relax lang na parang natutulog, tapos kung may gustong gawin ang katawan niya, gawin nya lang.

Abah, ilang segundo lang eh, habang pinapatugtog ko ang isang instrumento na parang batingaw eh, biglang nag-trance na si Rina!

Gumagalaw na ulo nya, pati mga kamay at pagkatapos ay nahiga sa sahig at nagpagulong-gulong na!

Dati-rati, kapag nagpapa-session ako, medyo nahihirapan at naiirita ako, kasi ang hirap pasayawin, eh ngayon, ang bilis!

Tapos, 'yung kapatid nya rin, si Pam...pag-upo at pagpikit ng mata, trance na rin! Nag-inner dance na kaagad!

Ang ganda ng mga sayaw nila!

Naka-isang oras kami ng pagsasayaw, tapos discussion na ang mga sumunod...

...iisa parati ang tanong: bakit o paano daw siya nagsayaw?

Hahaha, kalipay kaayo!

Ang inner dance kasi, mas maiging maranasan kaysa ipaliwanag!



Bookmark and Share

Thursday, March 5, 2009

Iba pang gawa ko at si nicky!

May nakalkal pa akong lumang gawa, pero 'yung kasamahan nito nasa ate ko eh, mga anim (6) pa na ganito, iba't-ibang kulay at estilo pero, pare-pareho ang laki, 8 inches x 10inches...

Photobucket
...unnnhhhh, "untitled" na muna ang pangalan nito....

Tapos, ito naman ang pinagkakaabalahan ko ngayon, medyo malabo ang kuha, pero malaki 'yan tapos kumbinasyon ng malalaki at maliliit na "inner dance cells" (pero ang tawag ni Gerry eh "swerlies")...actually, isang cell, isang inner dance, kaya talagang powered up ako habang ginagawa ko ito! Ang titulo nito eh "Inner dancing: Women".

At bakit kanyo iyun ang titulo? Sabi kasi ng lahat ng nakakita na, iyun ang sinasabing nakikita nila, kaya sinunod ko na rin, hehehe....

Photobucket
"Inner dancing: Women"...kailangan ko pang i-translate sa bisaya o ilonggo...3ft x 4ft naman ang laki nito!

Tapos, nito lang miyerkules, naimbitahan ako sa isang talk ni Mr. Nicanor "Nicky" Perlas, at okay naman ang kinalabasan. As usual, kulang na naman ang oras basta si Nicky ang nagsalita at ang DAMI-DAMI mong gustong itanong...well, magkakaroon naman ng mga follow-up na talks pa, kaya marami pang magiging pagkakataon.

Naitanong ko naman ang gusto ko, pero gusto ko siyang makausap at maka-session sa inner dance...ano kaya ang mangyayari kung sakali?

Photobucket
Ako at si Fafah Nicky!


Bookmark and Share

Tuesday, February 24, 2009

Mga bagong gawa ko!

Medyo sinipag gumuhit, eto na po 'yung mga gawa ko!

Ito po 'yung una, isinali ko po ito sa isang paligsahan sa Faber-Castell noong nakaraang taon (2008). Bagama't hindi ito nanalo, nakasama naman po sa mga naka-exhibit sa may GSIS Museum. Isa na pong napakalaking karangalan ang mapili na i-exhibit para sa patimpalak na ito. Sa mahigit 600 na kalahok ang sumali, mga 100 ang napiling i-exhibit, kaya masaya na talaga ako!

Photobucket
Pangniloloob na Sayaw: III...2ft x 3ft, oil on canvas

Tapos, sa bahay naman, bago magpasko (December 2008), noong medyo sinipag uli, sa mga maliiit na canvas naman...

...ito muna 'yung una, n'ung inayos ko na 'yung naunang painting, 'yung mga natirang kulay, dito ko ipininta, at ito ang kinalabasan.

Photobucket
Pangniloloob na Sayaw: III.1...8 inches x 10 inches, oil on canvas

Tapos, ito naman ang sumunod, naisip ko naman na ibang kulay ang gamitin, para sana sa kaibigan ko ito, subok muna, paborito nya kasing kulay ang mga ginamit ko.

Photobucket
Pangniloloob na Sayaw: Pag-asa (Hope)...8 inches x 10 inches, oil on canvas


...mayroon pa, kasalukuyan ko pang tinatapos, 3 ft x 4 ft naman ang laki, sa susunod ko po ipo-post dito....



Bookmark and Share

Monday, February 23, 2009

Katuwa uli...

Kaninang umaga, pagkagising ko, kinulit kaagad ako ng nanay ko!

Magpapahilot daw siya!

Ang sakit daw ng balakang nya, kahapon pa. Eh wala ako maghapon kahapon kaya hindi ko siya nahilot, gabi na ako dumating eh, pagod pa!

So, kanina nga, hinilot ko siya.

Sabi niya habang nagse-session kami (nakaupo kami sa ilalim ng puno), hirap daw siyang umupo, yumuko at lumakad. Sa bawat paglakad nya may masakit daw sa may parteng puwitan nya, sa kaliwa. So, hinilot ko...medyo, napapangiwe, masakit daw....


Nang matapos, wala sa sarili, biglang tumayo na mabilis at nagwalis.

Makalipas ang ilang minuto, saka pa lang napag-isip-isip na nawala na pala ang sakit. Bumubulongbulong sa sarili, actually naririnig ko naman, hehehe, na nawala nga!

Gumaling daw siya! Naniniwala na raw siya sa akin!

Napatawa na lang ako...ang nanay talaga oh!

Ngayon lang? Wehehehe....


Bookmark and Share

Thursday, February 19, 2009

Katuwa naman...

Natanggap ko kaninang umaga ito, galing sa kaibigan ko...'di ko kaagad nasagot para sa detalye, walang load eh, mayamaya, hehehe...

"From rina. Pls tel johnny dat he did a vry significant alignment n me ystrdy. Hes a tru healer! Il tel u later why..Hope ddong wl also hav d oprtunity 2 xperience d same healing touch. I bliv am abot 2 open my 3rd eye..Hehehe maybe johnny was instrumental 2 it. Just waiting 4 d 2nd sign. Hehehe."

Pumunta kasi ako Los Baños kahapon. Inutusan ako ng ate ko, pagkakataon na ring makadalaw uli kaya pumayag ako, libre pa pamasahe eh, hehehe.

As usual, kapag ako pumupunta dún, minamasahe ko mga kaibigan ko. So kahapon, nakasiyam (9) ako na taong minasahe. Powered up na naman!

Tapos, nataymingan ko pala na naroon din si Ate Rina, kapatid ng kaibigan ko, si Maám Pam. Matagal ko na rin siyang gustong i-session mula ng dumating siya galing Cebu, kaso parati kaming hindi nagtatagpo. Nagulat ako kahapon, and'un sa office ni Ma'am Pam. Sa wakas, pinagtagpo na kami ng tadhana, hehehe....

So, session nga. Kakaiba na naman, kasi, medyo nag-concentrate o nagtagal ang mga kamay ko sa may parte o bahaging tenga nya. Sabi ko, parang siya lang yata ang minasahe ko na medyo matagal na session sa may tenga ah. Sabi niya, nagkaroon siya ng problema sa tenga nya n'ung bata pa siya - ah, kaya pala!

Tapos, sa ulo naman nya, medyo matagal din...sabi nya may problema din daw (sa ulo, hehehe), memory loss daw...ah, may ibig sabihin talaga kapag nagtagal ang mga kamay ko sa isang parte sa katawan.

Tapos, napag-usapan namin ang "3rd eye". Tinanong nya ako kung bukas daw ako. Sabi ko naman, oo, pamula ng mag-inner dance ako. Iba nga lang porma o manifestation, 'di ko nakikita, pero alam ko na nariyan o mayroon kung ano man 'yun. Tsaka, dagdag ko, 'di mo kailangan na may magbukas sa 'yo na iba. IKAW ang magbubukas niyon, at IKAW rin ang magdedesisyon kung KAILAN at ANO ang MANIFESTATION.

D'un kami naghiwalay at ito nga kaninang umaga, ito ang natanggap ko.

Hehehe, nakakataba ng puso!

'di na tuloy ako makapaghintay sa chika, makapagpa-load na nga!

Tuesday, February 17, 2009

Ang sayaw part 1

Paano ba ako nagsayaw?

Pangniloloob na sayaw o inner dancing?

Sa mga susunod na araw o artikulo, ito ang isusulat ko rito, para kapag may nagtanong, dito ko na lang ituturo para basahin nila, hehehe, kapoy mag-istorya eh! Taas kaayo!

Tanda ko pa noon, mga gitnang bahagi ng taong 2007, sinamahan ko lang ang bosing ko n’un, si Ate betsy, na i-meet ang isang lalake sa may Ponce Suites noon sa Davao City. Sumama lang ako kasi interesado ako n’un sa Ponce Suites, kasi balita ko, hotel ‘yun na parang museyo. Sa bawat palapag raw, sulok at mga kwarto na naroon, punong-puno ‘yun ng mga likha o gawang sining ng may-ari n’un, si Kublai!


Sa isip ko n’un, bahala sila mag-meeting, basta ako, kasama ang anak niya, sa hotel kami interesado. Pagkatapos ng pormal na pagpapakilanlan, si Kali Pi Mu pala ang pangalan niya, Pi for short, iniwan muna namin sila at ginalugad namin ang buong hotel. Parang kaming mga batang nakawala sa kural at naghahagikgikan pang mabilis na tumalilis.

Grabeh nga ‘yung hotel, hanep sa mga nakalagay d’un!

Noong matapos nang mabusog ang aming mga mata at damdamin sa galing at ganda ng mga naka-display d’un, balik na uli kami sa may bosing ko. Hindi pa rin sila tapos mag-usap at mukhang napapasarap pa. Konting naki-chika na rin ako. Kakaibang tumingin si Pi, parang tagusan, tapos nakapagtataka, lagutokan parati ang katawan niya sa bawat kilos niya.


Lagutukan.

Lagutukan, na parang nagpapalagutok ka ng mga daliri mo sa kamay. Gan'ung lagutok. Sa isip ko, WEIRD.

Tapos n’ung napapunta na sa "inner dancing" ang kwento, bigla nag-anyaya si Pi para sa isang session. Kasi sabi niya, mas masarap o madali raw maranasan ang inner dancing kaysa ipaliwanag. Mas magkakaintindihan daw kami. So, mabait naman kami at game, sige lang sa anyaya.

Pumasok kaming kahat sa isang conference room ng hotel. Nagsindi si Pi ng isang kandila. Binuksan ang isang botelyang may mabangong langis. Naupo kami ng lahat ng pabilog para kita ang bawa-isa at pinatay ang ilaw. Lima pala kami, dalawang (2) bosing na sina Kuya Nono at Ate Betsy, anak ni ate na si Kahlil at kasama ko sa trabaho na si May - pang-anim pala si Pi.

Nagsalita si Pi kung anong mangyayari. Dapat daw, wala kaming iniisip. Relax lang. Don’t expect something. Kung pakiramdam namin na gustong may gawin o ikilos ang mga kamay o katawan namin, sundin lang.

Nagsimula na.

Nagpatugtog ng maganda at malumanay na musika.

Una n'yang pinuntahan si ate. Pinapikit nya si ate, tapos pumunta si Pi sa likod nya at nagsimulang magkukumpas, iwasiwas ang mga kamay sa hangin, sumayaw at pindot-pindutin ang likod ni ate. Abah, malambot pala ang katawan ni ate, sa loob ko. Paano kaya kung ako na eh, matigas ang katawan ko, kahiya naman, bulong ko sa sarili ko.

Lahat kami nakamasid sa mga ginagawa nila. Ang lambot at ang ganda ng sayaw nila. Tapos umalis na si Pi at sa akin na pumunta. Si ate, diretso pa rin sa pagsayaw maski nakaupo.

Ako naman, pumikit na, tapos nakiramdam kung anong gagawin sa akin.

Nakiramdam.

Nakiramdam. Wala pa rin. May gumagalaw sa likuran ko. 'yun lang. Tapos parang gina-guide ang mga kamay ko na igalaw. Eh 'di igalaw. Tapos n'un, wala na.

Nakiramdam uli.

Wala pa rin. Tapos parang may pwersa, itinutulak ako pahiga. Bumigat ang aking katawan. Natakot ako, baka bumagsak ako. Masakit 'yun, samento babagsakan eh. May sumalo sa likod ko, tapos ang bigat ng katawan ko. Tapos tuluyan na akong napahiga. Dahan-dahan. Nakipikit pa rin.

Nakiramdam.

Wala pa rin.

Tapos, medyo sumilip ako.

Nasa ibang kasamahan ko na pala si Pi. Si ate, nagsasayaw pa rin habang nakaupo. Si kuya Nono nagsasayaw na rin. Pati na rin si May. tapos si Kahlil, pabagsak din sa sahig.

Eyng?

Natapos ang session. Itinigil ang musika. Tumigil sa pagsasayaw ang mga nagsasayaw. Nagmulat ng mga mata. Dalawa kaming nakahiga sa sahig.

Kuwentuhan. Sharing kung anong nangyari o naramdaman.

Ako, wala lang, malungkot. Pero sa loob ko tanong ko, bakit ‘di ako nagsayaw?

Nag-share na si Pi.


Huwag daw akong malungkot. Gan'un lang daw. Huwag pilitin kung ayaw. May epekto rin daw kasi 'yung lugar. Inaamin nya, medyo negative vibes daw sa hotel, kasi mga angst ng artist ang naka-display 'dun, kaya raw medyo apektado ako at si Kahlil. Sa amin daw medyo malakas ang epekto o hatak ng lugar. Sa susunod daw na session, baka daw maayos na.

Nag-invite nga si ate na mag-session daw kami sa lugar nila sa Makilala, Cotabato. Nasiyahan kasi siya at gusto nya malaman ang mangyayari kung d'un gaganapin.

Nagkaayos nga at nag-schedule d'un.

Doon na 'yung mas okay na mga nangyari. Pero sa susunod na, medyo mahaba na eh....


Bookmark and Share

Monday, February 16, 2009

Sa wakas...

Noong linggo, nagpahilot o masahe sa akin 'yung kumare ng nanay ko, si Sister Zenny. Masakit daw kasi ulo nya, lalo na sa batok, at masama raw pakilasa nya ilang araw na. Namasahe ko na kasi siya dati, kaya may lakas na ng loob na lumapit sa akin para magpamasahe.

Sa totoo lang, mas interesado akong hiluting 'yung asawa nya, kasi nabalitaan ko na medyo may taning na ang buhay n'un. Gusto kong malaman kung paano mag-react o ano ang gagawin ng mga kamay ko sa katawan niya.

Dati ko ng gustong hilutin 'yung mama, kaso nanay ko ang ayaw pumayag dahil baka "mapatay" ko raw 'yung tao. Baka raw kasi habang minamasahe ko na binabaligtad-baligtad eh atakihin sa puso at sa amin pa abutin. Hehehe, akala nya kasi ng nanay ko eh, pare-pareho ang masahe ko.

So, noong linggo, nagpamasahe o hilot nga si Sister Zenny, tapos nasiyahan siya, at sabi nya, kaunin nya raw 'yung asawa nya. Matagal nya na ring gustong ipahilot sa akin 'yung asawa nya, kaso laging nauudlot, kasi parating nagdadalwang isip, at isa pa, parati rin akong wala sa amin. 'yun, kinaon nga niya.

Noong dumating sila, konting kwentuhan muna, tapos simula na session.

Grabeh, unang lapat a lang ng kamay ko sa likod n'ung mama, alam o ramdam ko na kaagad na napakahina na ng katawan niya! Tapos, ayun, kakaiba na naman ang pinaggagawa ng kamay ko at nagporma na naman siya ng parang tatsulok. Ibig sabihin, kung saan mapatapat 'yun, 'yung ang lugar o bahagi na may problema at kailangan ng tulong. Pagkalipas lang ng ilang minuto, na halos parang kinakamot o kinikiliti ko lang ang katawan n'ung mama, natapos na kami.

Nasiyahan naman 'yung mama. Ang tanong pa nga nya eh, kung pwede raw umulit. Hehehe, takot o asiwa sa una, pero kapag naransan na, gusto kaagad umulit!

Napatunayan ko na naman, na kaya pala hindi ako nakapagmasahe n'ung mga nagdaang araw, kasi parang nag-power-up o nag-ipon muna ako ng lakas para sa session na ito.


Bookmark and Share

Saturday, February 14, 2009

Panimula

Dito sa blog na ito ko isusulat ang lahat ng mga karanasan ko sa pangniloloob na sayaw o inner dancing.

Kailangan kong ihiwalay ito kasi medyo kakaiba at hindi nababagay d'un sa dati kong blog. D'un kasi medyo bastos ako o medyo mortal eh, hehehe...tao lang po!

Dito medyo hindi. May mga bagay-bagay akong isusulat dito na medyo kakaiba at hindi nababagay d'un. Mataas kasi paggalang ko sa inner dancing eh.

So, 'yun na muna. Marami pang susunod, hehehe...

...isang MAPAGPALAYANG PANGNILOLOOB NA SAYAW sa lahat na magagawi dito!

Bookmark and Share

Thursday, February 12, 2009

Una...

Unang hirit...

...sa mga susunod na araw, marami na akong isusulat dito!


Bookmark and Share
Related Posts with Thumbnails