Noong miyerkules ng gabi, naengganyo ko na mag-inner dance session kami ng mga kaibigan ko. Inner dance session talaga, hindi "masahe" lang!
Doon kami sa bahay ng kaibigan ko, si Pam, nag-session. Medyo malawak kasi eh. Tapos siya at 'yung kapatid nya na si Rina ang nagsayaw.
Okay nga nag nangyari eh...nagsindi lang ako ng scented candle, tapos pinatay ko na ang ilaw. Nagpatugtog ng musika na medyo meditative ang dating - ang napili namin, "songs of the whales". Pinaupo ko na sila, tapos si Rina, sabi ko, relax lang. Huwag mag-expect ng kung ano pa man. Huwag matakot. Mag-relax lang na parang natutulog, tapos kung may gustong gawin ang katawan niya, gawin nya lang.
Abah, ilang segundo lang eh, habang pinapatugtog ko ang isang instrumento na parang batingaw eh, biglang nag-trance na si Rina!
Gumagalaw na ulo nya, pati mga kamay at pagkatapos ay nahiga sa sahig at nagpagulong-gulong na!
Dati-rati, kapag nagpapa-session ako, medyo nahihirapan at naiirita ako, kasi ang hirap pasayawin, eh ngayon, ang bilis!
Tapos, 'yung kapatid nya rin, si Pam...pag-upo at pagpikit ng mata, trance na rin! Nag-inner dance na kaagad!
Ang ganda ng mga sayaw nila!
Naka-isang oras kami ng pagsasayaw, tapos discussion na ang mga sumunod...
...iisa parati ang tanong: bakit o paano daw siya nagsayaw?
Hahaha, kalipay kaayo!
Ang inner dance kasi, mas maiging maranasan kaysa ipaliwanag!
Friday, March 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment