Ang on-line diary ng pakikipagsapalaran ng buhay ko mula ng ako ay matuto ng pangniloloob na sayaw (inner dance).
Lahat ng karanasan ko, mabuti o 'di gaanong mabuti (kulang pa sa paliwanag o kahulugan) tungkol sa pangniloloob na sayaw ay nakasulat dito para maging dokumento at maging gabay na rin sa mga taong gustong matutuhan ito.
Ang pangniloloob na sayaw ay mahirap ipaliwanag. Ito ay mainam na maranasan kaysa matutuhan.
Para sa madaliang pakikipag-ugnayan sa akin saan mang sulok ng mundo, narito ang address ng sulat na pang-dagitab:
at para naman sa mabilisang komunikasyon gamit ang selulang telepono, ito ang aking numero:
(0927) 531-1680!
kaibugturan na bayle/pangniloloob na sayaw (inner dance)
unsa man na kaibugturan na bayle?
Ang Pangniloloob na Sayaw, base sa mga nabasa, ayon sa mga nakasalamuha na may kaalaman sa nasabing paksa, at sa personal na kaalaman (na nagmula sa isang kolektibong mataas na kamulatan - na nakuha buhat sa malimit na pagsayaw), ay isang limot na kagawian, o isang uri ng sayaw ng ating mga ninuno. Ito ay pinangunahang sayawin ng mga Babaylan, at ginamit na panggamot o pang-ayos ng mga may karamdaman sa katawan (sa porma ng pagmamasahe - acupressure o reflexelogy), panglinis o pampakalma sa naguguluhan o masamang isipan o damdamin (pagninilaynilay o meditasyon), at maging panlaban sa mga masamang enerhiya o elemento sa kapaligiran (exorcism).
Ang sayaw na ito ay maiuugat sa kapanahunan pa ng Mayan na sibilisasyon.
Napakalawak ng pangniloloob na sayaw - base sa mga karanasan na ng may akda sa maikling panahon (magdadalwang taon na araw-araw na pagsasayaw), hindi pa naaarok ng husto ang tunay na kahulugan nito. Ang bawat sayaw ay parating kakaiba at panibagong karanasan.
pasundayag (gallery)
Isang espesyal na espasyo o lugar sa blog na ito para ipakita ang itsura o porma ng pangniloloob na sayaw sa larangan ng sining.
Ang mga imaheng narito ay nabuo o naipinta mula sa pangniloloob na sayaw ng mga kamay ng may akda. Nagsayaw ang kamay ng may akda sa ibabaw ng mga papel o canvas gamit ang maliit na brotsa o brush at iba't-ibang klase ng pangkulay.
No comments:
Post a Comment