Saturday, April 11, 2009

Ang sayaw Part 3

At nag-inner dance nga ako sa loob ng van na sinasakyan ko papuntang Davao. Pinagtitinginan ako ng tao o ng mga katabi ko, pero, wala akong paki, diretso lang. Nang makarating na ako ng Davao, okay na okay ang pakiramdam ko.

Siyempre, masarap ang feeling, energized, kaya ang ginawa ko eh, gimik na kaagad pagdating ng Davao. Nagkataon n’un na may gimik ang mga kaibigan ko kaya sumama na rin ako. May free concert noon sa may Matina Town Square o MTS, parang Kadayawan yata ang selebrasyon.

Tapos n’ung pumunta ako, may mga nagsasayaw na sa may parke, mga katutubong sayaw at pigil na pigil ko ang sarili ko, dahil gusto kong sumali sa kanila! Mabuti na lang at napigilan ko, hehehe, kakahiya naman…marunong din naman pala akong mahiya…’dami kasing tao eh!

Gabi na noon, tapos nakita ko na mga kaibigan ko…inom dito…nood d’un…tapos n’ung pahuli na, maganda na ‘yung konsyerto, halos nagsasayaw na lahat kaming nanonood, bigay na bigay! At ako, well, indak dito at indak d’un, pero sa totoo lang, nag-i-inner dance ako…nasa public pero hindi halata, hehehe!

Natapos na si konsyerto…at umuwi na ako.

Kinabukasan,since nag-inner dance na ako, gusto ko pa ulit.

Pero, nang ako na lang mag-isa…parang ang hirap. Nag-i-inner dance nga ako, pero, mabigat…parang pilit ang sayaw…nakakailang, mahirap, lisod kaayo.

Nakailang ganitong pakiramdam ako, tapos parang nawawala….

Tapos, mortal po ako, tao lang…nang medyo kinati, tawag ng laman at nakipag-sex ako…ayun, lalong nawala! As in, wala na talaga uli….

Siyempre, nalungkot ako.

Matagal na uli bago ako nakasayaw, kasi, naghintay pa uli ako ng schedule na pauwing main office naming para makapagsayaw o ma-jump start ika nga. Halos isang buwan ang nakalipas. Ang pakiramdam ko – malungkot, mabigat ang katawan, parang may kulang.

Makalipas nga ang isang buwan, nakabalik ako sa main office namin. May naengganyo na bagong kaibigan na mag-inner dance, nakisabay na lang ako.

Pagdating d’un, tanong ko kaagad kung bakit nawala. Sabi n’un ni Pi, ‘di daw ‘yun nawala…parang nagtago lang, kasi, ini-expect ko daw parati, eh p’pag gan’un, lalong hindi lalabas…dapat, wala lang…relax, hayaan lang, at walang iniisip.

Nang mag-session kami, kasama ang isang kaibigan, si Jeffrey Tupas, dalawa kaming naka-schedule. Ako, naman, siyempre, maski nasabihan na kung ano dapat ang iisipin o hindi dapat isipin, gan’un pa rin. Excited eh, ang kulit!

N’ung mag-session na…ang tagal, ang tagal kong nakaupo lang…samantalang ‘yung kasama ko, nagsimula na.

Kakaiba ‘yung naging sayaw niya. Kasi, ginawa nyang parang drum o tambol ang kanyang katawan at lumikha siya ng tunog namay ritmo. Kung papakinggan mo ‘yung tunog, mapapaisip ka, hindi mo alam kung paano nya nagawa ‘yung mga tung, aling parte ng katawan nya ang ginamit nya at higit sa lahat, ‘di kaya masakit ‘yun? Masakit ‘yun kasi ang lakas ng tunog, lagapakan!

Siyempre, ako, inggit na inggit. Wala pa rin kasing nangyayari sa akin.

Hindi gumagalaw ang katawan ko…walang sayaw! Nakapikit at nakaupo lang…naghihintay.

Pero…

…may iba akong nakikita naman…mga dolphin…naglalangoy…kulay asul sila? Maraming bula. Parang monochromatic ang dating o itsura ng nakikita ko…palayo sila…tapos coral reefs…maraming koral, parang mga patay…walang isda, tapos pula ang tubig…lahat ng nakikita ko kulay pula…parang dugo!

Tapos, parang nagising na ako, takot, tapos na pala ang session.

Pahinga muna, then usapan. Tanong sa mga nangyari…ako siyempre, maraming tanong…una bakit hindi ako nagsayaw? Sagot, inexpect ko na naman kasi. Tapos tinanong nya ako kung may nakita ako. Tapos kinuwento ko nga. Sabi nya, ‘yun daw ang naging sayaw ko, o manifestation ng sayaw ko…visions…tapos habang nag-uusap kami…napansin nya na parang naiilang ako. Tama nga siya…kasi iba ang nakikita ko sa harapan ng kausap ko…may iba akong nakikita!

Habang kausap ko ‘yung kausap ko, parang may t.v. na naka-impose sa kausap ko at hayop ang nakikita ko. Tumingin ako sa iba…ibang hayop naman. Sinabi ko sa kanila kung anong hayop nila ang nakikita ko…tapos ‘yun nga…sabi nya, visions nga…animal spirit naman ang nakikita ko…animal spirit ng tao ang nakikita ko…ang ganda ng dating eh…parang may projector sa unahan!

Tapos habang nag-uusap kami…may visions na naman…sabi ko, para akong naglalangoy…sabi nya, ikwento ko lang daw…tapos ipikit ko raw mga mata ko, para mas makita ko…ipinikit ko nga. Wala akong nakita, iminulat ko uli…may visions uli…sabi ko, mas okay kapag nakamulat, at ikinuwento ko kung ano nakikita ko.

‘yun nga, naglalangoy ako…malinis na tubig…masarap maglangoy…nakatingin ako sa araw, mula sa ilalim ng tubig…may dumaan na anino…parang bangka ang dumaan…sinundan ko ang bangka…umahon sa tubig…mamang nakasalakot ang nagsasagwan sa bangka…nasa pampang na siya…sinalubong siya ng pamilya nya…babae…nakatapis at kamison…at anak nilang batang lalake…kubo…ang ganda ng tanawin..bundok sa likuran nila. Tinanong ni Pi kung saan ang setting…akala ko, Vietnam, gawa ng salakot na patilos…sumilip ako sa bahay…may watawat, pilipinas nga! Teka, parang pamilyar ang setting…parang sa mga pinta ni Amorsolo ang dating! Tinanong ko, ano ako n’un…tingnan ko raw sarili ko…may buntot…sirena! Tangek, hehehe, ambisyosa, ilusyunada! Dolphin ako…naging dolphin ako.

So, ‘yun ang bagong manifestation ng sayaw ko…hindi physical na sayaw…time travel at visions. Tapos kinuwento ko pa ‘yung isang nakita ko ‘yung pula na corals. Sabi niya, hindi maganda ‘yung nakita ko…”death of a system” daw kasi ‘yun…lalo na ‘yung pulang tubig o dugo.

Tapos,napunta ang kwentuhan sa mga dolphin, kasi halos lahat kami d’un sa session, may vision pala ng mga dolphin…o nagpakita sa amin ang mga dolphin…isa lang daw ang ibig sabihin ‘nun…nagpapaalam na sila sa mundong ito…aalis na sila. Hindi man sila nakalista sa endangered species, pero sila na raw ang susunod na ma-extinct sa mundo na ito…nakakalungkot at nakakatakot naman!

Ngayon ko lang naisip, habang sinusulat ko ito, may mga kakaiba nga palang nangyari sa mga dolphin sa ating bansa at sa ibang bansa nitong nakaraang buwan lang. Dagsa-dagsang mga dolphin, lampas isandaan ang bilang, ang pumunta noon sa pampang, at parang gustong magpakamatay, beaching ang tawag dito…sa parteng Batanes ‘yun, tapos ilang araw o linggo, sa ibang bansa naman, gan’un din ang nangyari…at walang makapagpaliwanag kung bakit nangyari ‘yun! Hmnnnn….

Balik tayo n’un…tapos, nagpahinga na kami n’un.

Kinabukasan, maaga kaming nagising at sa hapon pa naman ang luwas pa Davao, humirit pa ako ng isang session, dahil gusto ko talagang magsayaw.

Tatlo lang kami, ako, si Jeff, tapos si Bong ang nag-facilitate sa amin.

Walang musika n’un, mag-experiment daw kami…kung ano raw lang daw ‘yung naririnig namin sa paligid, ‘yun daw ang magiging musika namin.

At ganun nga ang nangyari. Si Jeff,’yung kasama ko, konting sandali lang, nagsayaw na uli kaagad…human percussion na naman…ako, wala lang.

Tapos, bugnot na naman, masama ang loob, gustong magsayaw, pero ayaw na naman…pero..may kakaiba na namang pakiramdam!

Para akong nakasakay sa roller coaster…taas baba. Pataas, pababa…bumubulusok! Tapos, may mga imahe akong nakikita…sibilisasayon…parang kastilyo namaraming tusok tusok, maiitim na makinis o makintab…tapos parang Atlantis…marble na puti na makinis na nasa loob ng isang dome!

Tapos…dagat na itim..gabi kasi kaya makintab o makinang na itim ang tubig…tapos may mga simbolo sa ibabaw ng dagat…mga bilog…itim na bilog sa gitna ng malaking bilog na puti…pito sila..magkakadikit…pinagdidikit ng mga linya…parang may pattern ang pagkakadikit nila….

Tapos…roller coaster na naman…gising na uli…tapos na session.

‘yun, diskusyon uli…talaga raw ayaw muna akong pagsayawin…ibang manifestation talaga ng inner dance ang lumabas. Time travel at astral projection daw ginagawa ko. Tinanong ko kung ano ‘yung mga nakita ko…lalo na ‘yung bilog-bilog, hanapin ko na lang raw, malalaman ko raw ‘yun.

Pauwi na, napadaan ako sa office ng bosing ko…napansin ko, may globo d’un na may mapa ng mga pormasyon ng mga bituin o konstelasyon. Out of curiosity, parang na-magnet ako na tingnan…humanap ako ng konstelasyon namay pitong bituin…’di ko makita…sabi ng kasama ko, Pleiades, ‘yun dawang hanapin ko….

Nahanap ko nga, pero, iba naman…pero teka, baligtarin ko kaya…at iyun nga! Reflection kasi sa dagat ‘yung nakita ko, kaya baligtad sa kalawakan! Kalimitan daw, sa mga psychic, ‘yun daw ang parating nata-tap nila… kalimitang nagpapakita o nagpaparamdam.

Ayun, kahit papaano, nasiyahan na rin ako, kahit hindi nakapagsayaw. Umuwi na ako n’un ng Davao. Hindi na ako nagsayaw sa van.

Naghintay uli ako n’un ng isang buwan para makauwi uli sa main office…at doon, nakapagsayaw na uli ako…at ibang manifestation na naman ang naranasan ko.

Ito na ‘yung masahe…kung ano ako ngayon…sa susunod na uli…mahaba na eh!



Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails