Thursday, May 12, 2011

The Face

Medyo natagalan sa update, pero eto na uli....

Nagawa ko ito n'ung Holy Week, Good Friday pa mismo...medyo na-inspire gumawa tapos ito 'yung pumasok sa isip ko at ito na nga ang lumabas....

Photobucket
The Face

Bookmark and Share

Saturday, March 26, 2011

Inner Dance Session, March 2011

Eto ang kalimitan ang ginagawa namin kapag patapos na ang klase sa UPLB. 'yung kaibigan ko na professor, si Pam Fernandez, sa last meeting ng klase nila, nagse-celebrate sila ng FOOD FEST.

Food fest ng quantum food or vegetarian dish!

Ginagawa ang celebration sa bahay nila. Lahat ng estudyante, required magdala ng pang-vegetarian na pagkain - parang show and tell. So, magre-research ang mga estudyante ng mga vegetarian dish, tapos iluluto nila 'yun at dadalhin doon, tapos pagsasaluhan ng lahat. Ginagawa ito ng kaibigan ko para maging aware ang mga estudyante sa masustansiyang pagkain. Siyempre haven para sa akin 'yun, kaya parati akong pumupunta d'un at minsan, nakakapagdala pa ng mga kaibigan kung sino may gustong sumama!

Hindi lang food fest ang ginagawa namin d'un...minsan anthroposophic numerology na expert naman 'yung isa kong kaibigan, si Arma, tapos mag-a-agnihotra sa takip-silim, tapos panghuli, ako naman healing session or inner dance.

Inner dance session, na lahat parating napapamangha! Kada ibang batch, iba ang ginagawa namin, kaya lagi ko itong inaabangan.


Photobucket
Sa simula, show and tell ng mga pagkain. Ano ang mga sangkap na ginamit, then background or history ng pagkain kung meron man.


Photobucket
Eto ang sample ng mga pagkain, kada sem, iba't-ibang putahe!

Photobucket
...at siyempre, KAINAN na!


Photobucket
tapos, ako naman...unang sessionista...'di raw siya makatulog, insomniac to the highest level, kaya nagpatulong...Filipino-American siya, kaya napasubo ang aking English!


Photobucket
Medyo, nahirapan ako at naging challenging siya...medyo skeptic na cynical, pero tuloy lang...


Photobucket
...dito, simula na ng kung anu-ano ang ginagawa ko sa kanya...

Photobucket
...contortion to the highest level...


Photobucket
...inapakan ko pa siya habang nakaluhod siya na nakadapa...si Pam, nasa background, nag-a-assist at nagpapasayaw ng ibang estudyante...


Photobucket
...after the session, eto tulog!


Photobucket
...so, ibang estudyante naman...si Pam, habang nasa session...


Photobucket
...tulog pa rin si manong...habang ang iba ay nanood at gustong magpa-session din...


Photobucket
...isa ito sa mga estudyante, feel nya lang matulog habang nasa session...


Photobucket
...pero, kakaiba ito...ngayon ko lang ginawa ito....


Photobucket
...pinahiga...


Photobucket
...tapos...


Photobucket
..at ginanito...


Photobucket
...at ganito! Lampas isang oras siya na nakaganito, habang nagse-session kami ng ibang estudyante....


Photobucket
...si manong, tulog pa rin...habang 'yung isang anak ng estudyante, naglalaro lang at tingin ng tingin sa mga ginagawa ko sa mga estudyante...


Photobucket
...eto 'yung pinaka-music namin...halos naka-trance din siya...lampas 2 oras na tuloy-tuloy na pagtugtog...


Photobucket
...nagsimula ng gumising...at common na reaction, HINDI nila ALAM ang ginagawa nila! See, mahirap ipaliwang, madaling gawin, kapag nagawa mo na, 'di mo pa rin kayang maipaliwanag, pero masaya ka kasi nagawa mo!


Photobucket
...at pinakahuling sessionista!

Hehehe, enjoy, next sem ulit!:D

Bookmark and Share




Friday, March 25, 2011

Here's to you Pat!

Mabilisan na gawa...tapos, ang liit pa ng pinagkopyahan at pinaggawaan...ewan ko kung kamukha, hehehe...try lang!:D

Photobucket
Kumukha ba? pen and ink on board, 6.5cm X 8.9cm ang laki or liit....

Bookmark and Share

Wednesday, March 23, 2011

Nihon wo tasukeyou....

Sa wakas, natapos ko rin!

Naubusan kasi ako ng pangkulay kaya medyo natagalan...pero eto na!

Sana magustuhan nyo....:D

Photobucket

Bookmark and Share

Monday, March 21, 2011

Gloomy Zsazsa....

Isa sa mga nahalungkat ko at ngayon ko lang uli tinapos...si Zsazsa!

Photobucket

Bookmark and Share

Friday, March 18, 2011

Faces

May nahukay ako sa mga dati kong naiguhit at hindi pa pala tapos, kaya eto, dali-dali kong tinapos.

Mga mukha ito ng kung sino-sino, basta alam ko mukha ito ng mga patay na tao, 'di ko alam kung sino-sino, basta naiguhit lang ng mga kamay ko....

Photobucket
Unknown faces

...alam ko, isang series ito eh, marami akong nagawang ganito na hindi pa tapos...mahanap nga!:D

Bookmark and Share

Monday, February 7, 2011

FREE EGYPT!

Eto, pakikiisa ko sa bansang Ehipt o Egypt.

Laman kasi sila ng mga balita ngayon at medyo nagkakagulo nga sa bansa nila. Sana maayos na kaguluhan sa kanila at maiwasang magbuwis pa ng mga buhay.

Medyo kinati ang kamay ko na gumawa ng para sa kanila...gustong kong gumawa na magpapaalala sa kung anong maganda sa bansa nila, kaya ito ang lumabas.

Photobucket
"Liberate Egypt"

Bookmark and Share

Friday, February 4, 2011

Conceiving Gaeia 2

Heps, latest kong gawa!

Para sa akin, medyo may improvement na....:D

Photobucket
Conceiving Gaeia 2

Bookmark and Share

Friday, January 28, 2011

Conceiving Gaeia

My tribute to Gaeia...eto ang una sa anim (6) ko pang gagawin....

Photobucket
Conceiving Gaeia

Bookmark and Share

Wednesday, January 26, 2011

Upside Down Madonna and Child

Eto, bago kong gawa!

Kinati ang kamay na gawin 'yung latest na pumasok sa utak ko at ito nga ang kinalabasan.

Naka-lima (5) na kaagad ang nagawa kong ganito, eto 'yung kauna-unahan...

Photobucket

Upside Down Madonna and Child


Dalawa (2) na lang ganito ang gagawin ko....:D

Bookmark and Share

Friday, January 21, 2011

Madonna and Child 2

Bago kong gawa...mainit-init pa...pa-dalwa na ito...lima pa...!

Photobucket
Madonna and Child 2

Bookmark and Share

Thursday, January 20, 2011

Black Madonna and Child

Bago kong gawa o serye ng painting mula sa Inner Dance!

Ito na ang lumalabas ngayon...Black Madonna and Child....sabi ng kaibigan ko na si Bong (Edwin Dela Torre), isang Inner Dance Practitioner din - na sa hindi inaasahang pagkakataon at lugar eh nagkita na naman kami - lumalabas o nagma-manifest na raw ang African spirit/essence na nakatatak sa etheric ko...at patuloy na mag-e-evolve pa raw!

Tama siya.

Kasi, nasimulan ko na ang susunod na serye, may ideya at sketchings na ako, hihintayin ko lang matapos ang seryeng ito para masimulan ang panibago. Anim (6) pa ang iguguhit ko na ganito, may variation siyempre...excited na gyud ko!

Photobucket
Black Madonna and Child No. 1

Bookmark and Share

Wednesday, January 19, 2011

Bagong Taon, Bagong Nahipuan.....

Nagkaroon ng meeting ang mga KOMIKERO n’ung nakaraang linggo (January 16) at nagkaroon din na naman ako ng pagkakataon na may mahipo sa kanila (read: massage). Biro nga sa akin ni Fafah Gerry, ilan nga raw ang na-devirginize ko eh, hehehe…:D

As usual, medyo nahihiya kapag minamasahe ko sila (medyo may pagka-exhibitionist kasi ako eh, lalong ginaganahan kapag nasa public, hehehe)…kakaiba kasi ginagawa ko sa kanila eh, kulang na lang maging sirkero sila!

Eto ang mga kuha ng mga nabiktima ko…

Photobucket
...si Raipo na namimilipit...

Photobucket
...at ang bagitong si Ram ng GLG!

At siyempre, habang nasa session, parati na lang natatakot (hindi alam ang mangyayari), nahihiya (kakaibang ginagawa o posisyon) at medyo nasasaktan (aligning kasi ng energy ang ginagawa ko, eh chakra mismo ng katawan ang napipindot ko kaya medyo masakit ang pakiramdam – well, sa una lang naman, sanayan din lang naman) ang mga biktima ko…pero kapag natapos na…iba na ang nararamdaman nila o hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Eto ang pruweba, natanggap ko ito kinabukasan ng umaga mula kay Raipo

“Johnny kung anuman ung gnawa u sa kin khpon maraming salamat. Masigla ako ngayon tsaka nawala ung sakit sa likod ko.”

Nagulat pa nga ako ng matanggap ko ang text, sa simula, parang na-offend eh, hehehe….’di pala. ‘di ko na nasagot kasi walang load, sabi ko sa sarili ko, bawi na lang ako, i-feature ko na lang siya sa blog ko.:D

Bookmark and Share

Thursday, January 6, 2011

Unang pasayaw sa taong 2011!

Bilang pangako ko sa taong 2011, pipilitin ko na ngang mag-update dito…grabeh, ang tagal na nga pala….

May napasayaw na uli ako, at unang session ito para sa taong kasalukuyan. Maganda naman ang mga nangyari, as usual, kakaiba – ang bilis nga nagsimula at natapos ang session eh! Sana masundan pa ng marami….

Babaeng kaibigan siya ng kaibigan kong babae (oh say!). Ngayon lang uli sila nagkita…eh nagkataon namang dumalaw ako sa kaibigan ko, kaya ayun, nagkakilanlan kami. Dati ko na siyang kilala sa pangalan at reputasyon, Josephine “Jojo” Cagurangan, at ngayon, ayon sa kanya, isa na raw siyang ley na madre. Dati kasi, ‘di kami masyadong nagkakausap (iba pa kasi ako n’un), kahapon lang talaga medyo naging wild ang pag-uusap namin. Nabalitaan nya na ang inner dance, marami siyang kilala na nakapag-inner dance na, at siyempre, very curious siya kung ano ito, kaya gusto nyang maranasan ‘yun… kaya, ayun, pagkakataon na kagabi!

At pagkatapos nga naming magkwentuhan ng matagaaaal sa hapunan sa bahay ng kaibigan naming, si Pam, ayun, nagsimula na kami.

As usual, kakaiba na naman ang nangyari… ang bilis niyang nakapag-inner dance…konting minuto lang, dire-diretso na kaagad sayaw niya. May injury kasi siya sa kaliwang tuhod, kaya medyo doon nag-concentrate o focus ang galaw ng mga kamay ko at katawan nya. May mga pagkakataong pinahiga at pinatayo ko siya, tapos inuunat-unat at binabaluktot ang paa at tuhod nya, na talaga namang medyo napapahiyaw siya sa sakit (kasama talaga sa session ‘yun!), pero sa bandang huli, umaliwalas na mukha niya.

At ilang minuto pa nga, lumabas na ‘yung sarili nyang sayaw! Siya ng mag-isa ang sumasayaw, kusa na siyang tumayo, nagpapadyak, iniuunat-unat ang mga kamay niya at nag-ala-Igorot na sayaw. Tapos, hinayaan ko lang. Ako naman, sayaw na rin ng para sa akin…tapos napansin ko ‘yung isang kaibigan namin, si Pam, inner dance na rin siya…kakaiba na naman!

Mga 45 minuto kaming sayaw tapos, kusa ng tumigil at natapos…at siyempre, iisa ang hinahanap pagkatapos, TUBIG!

Pahinga, usapan at katanungan ang sumunod na mga pangyayari.

As usual, sa inner dance – MAHIRAP IPALIWANAG, PERO MADALING MARANASAN, AT KAPAG NARANASAN MO NA, MAHIRAP PA RING MAIPALIWANG – pero very relieved at satisfied ka naman kung ano ‘yung nangyari…ika nga eh, namnamin mo na lang ‘yung naranasan mo na kakaiba.

Sa usapan namin, naitanong kung bakit Igorot na sayaw ang ginawa ni Jojo? Kasi may dugong Igorot pala siya, so, nakatatak na sa etheric nya ang sayaw ng Igorot (so, isang realization ko bigla, na ang Igorot dance ay nagmula sa inner dance…). Tapos sa huling bahagi ng session o sayaw, pagmulat nya may nakita raw siyang magandang babaeng nakabelo na nakangiti sa kanya – okay, kakaiba ito kasi, kadalasan feminine presence lang ang manifestation, pero sa kanya, nakita nya talaga! Hindi nya kilala ang babae, pero okay lang naman daw na nginitian siya. Sa una, akala nya, nanay nya na matagal ng patay ang nakita nyang babae, pero hindi raw, parang matanda na bata o bata na matanda ang itsura…pero okay lang naman daw, hindi naman raw siya natakot d’un sa babae.

‘Si Pam naman, grabeh din ang ginawa nya…parang cataharsis na rin dahil kakaiba sa dati nyang sayaw ang ginawa nya, para siyang sirkero sa mga pinaggagawa niya. Sabi ko, parang matagal na hindi siya nakapag-inner dance kasi mukhang sabik na sabik ang katawan nyang sumayaw eh! Napangiti siya, aminado na kapag nagse-session lang daw ako sa bahay nya nakakapagsayaw ulit.

Medyo lumalalim na ang gabi, kaya tinapos na namin ang usapan. Marami pang gusto sanang pag-usapan, kaso kailangan ko pang magbyahe pauwi. Bago kami maghiwalay, napagtanto ni Jojo na ultimo siya, na marami ng naging karanasan sa buhay at mahilig humanap ng mga kasagutan sa mga katanungan, ay hindi maipaliwanag ang inner dancing, heheheh, ayos!:D

Bookmark and Share
Related Posts with Thumbnails