Saturday, 26 March 2011

Inner Dance Session, March 2011

Eto ang kalimitan ang ginagawa namin kapag patapos na ang klase sa UPLB. 'yung kaibigan ko na professor, si Pam Fernandez, sa last meeting ng klase nila, nagse-celebrate sila ng FOOD FEST.

Food fest ng quantum food or vegetarian dish!

Ginagawa ang celebration sa bahay nila. Lahat ng estudyante, required magdala ng pang-vegetarian na pagkain - parang show and tell. So, magre-research ang mga estudyante ng mga vegetarian dish, tapos iluluto nila 'yun at dadalhin doon, tapos pagsasaluhan ng lahat. Ginagawa ito ng kaibigan ko para maging aware ang mga estudyante sa masustansiyang pagkain. Siyempre haven para sa akin 'yun, kaya parati akong pumupunta d'un at minsan, nakakapagdala pa ng mga kaibigan kung sino may gustong sumama!

Hindi lang food fest ang ginagawa namin d'un...minsan anthroposophic numerology na expert naman 'yung isa kong kaibigan, si Arma, tapos mag-a-agnihotra sa takip-silim, tapos panghuli, ako naman healing session or inner dance.

Inner dance session, na lahat parating napapamangha! Kada ibang batch, iba ang ginagawa namin, kaya lagi ko itong inaabangan.


Photobucket
Sa simula, show and tell ng mga pagkain. Ano ang mga sangkap na ginamit, then background or history ng pagkain kung meron man.


Photobucket
Eto ang sample ng mga pagkain, kada sem, iba't-ibang putahe!

Photobucket
...at siyempre, KAINAN na!


Photobucket
tapos, ako naman...unang sessionista...'di raw siya makatulog, insomniac to the highest level, kaya nagpatulong...Filipino-American siya, kaya napasubo ang aking English!


Photobucket
Medyo, nahirapan ako at naging challenging siya...medyo skeptic na cynical, pero tuloy lang...


Photobucket
...dito, simula na ng kung anu-ano ang ginagawa ko sa kanya...

Photobucket
...contortion to the highest level...


Photobucket
...inapakan ko pa siya habang nakaluhod siya na nakadapa...si Pam, nasa background, nag-a-assist at nagpapasayaw ng ibang estudyante...


Photobucket
...after the session, eto tulog!


Photobucket
...so, ibang estudyante naman...si Pam, habang nasa session...


Photobucket
...tulog pa rin si manong...habang ang iba ay nanood at gustong magpa-session din...


Photobucket
...isa ito sa mga estudyante, feel nya lang matulog habang nasa session...


Photobucket
...pero, kakaiba ito...ngayon ko lang ginawa ito....


Photobucket
...pinahiga...


Photobucket
...tapos...


Photobucket
..at ginanito...


Photobucket
...at ganito! Lampas isang oras siya na nakaganito, habang nagse-session kami ng ibang estudyante....


Photobucket
...si manong, tulog pa rin...habang 'yung isang anak ng estudyante, naglalaro lang at tingin ng tingin sa mga ginagawa ko sa mga estudyante...


Photobucket
...eto 'yung pinaka-music namin...halos naka-trance din siya...lampas 2 oras na tuloy-tuloy na pagtugtog...


Photobucket
...nagsimula ng gumising...at common na reaction, HINDI nila ALAM ang ginagawa nila! See, mahirap ipaliwang, madaling gawin, kapag nagawa mo na, 'di mo pa rin kayang maipaliwanag, pero masaya ka kasi nagawa mo!


Photobucket
...at pinakahuling sessionista!

Hehehe, enjoy, next sem ulit!:D

Bookmark and Share




No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails