Whoah, ang tagal na nga pala bago ako nakapagsulat ulit, marami kasing mga
kadahilanan at isa sa mga mahalagang dahilan ay ang katamaran…JOKE! Masyado lang po talaga abala, heheheheh….
Kada huling araw ng semestre, ang kaibigan kong si ‘nang Pam, isang
propesor sa UPLB, ay nag-oorganisa ng
isang magulay na piging o VEGETARIAN FOODFEST. Propesora kasi siya ng agrikultura at nakatuon sa pagpalaganap ng Likas-Kayang Pagsasaka (SUSTAINABLE AGRICULTURE), kaya KAKAIBA ang DRAMA nya! Mabuti na lang.
Sa huling lingo ng semestre, ang lahat ng kanyang mga estudyante ay
kailangang maghanda at mag-present ng isang pagkain na gawa sa gulay (vegetarian) at ipaliwanag
ang kahalagahan nito. Maraming
estudyante, mas okay, kasi, mas maraming pagkain! Pwedeng mga family recipe, simple, o maging creative at gumawa ng sariling recipe. Kalimitan, 'di ko alam kung mabuti o masama, gawa-gawa lang na mga recipe!
At ang hirit, kasi nga mga estudyante, well,
depende naman sa kanila, may okay maghanda – as in bonggacious, at meron din
namang hinde. May isang foodfest na tatlo (3) grupo na ang naihanda eh, nilagang talbos ng kamote – very creative nga! Pero ngayong taon, himala, walang naghanda n’un!
At siyempre, pagkatapos ng mga paliwanag, susunod na ang pinakamasayang
bahagi ng piging, TSIBUGAN na!
Kitams, WALANG karne lahat 'yan!
Makulay na gulay (power salad)! Mas makulay, mas masustansiya!
Mechadong gluten. Masarap siya kasi first class na gluten 'yung ginamit!
Tofu o tokwa. In fairness, masarap ang pagkakaluto nila!
Garlic pasta. Simple pero masarap!
Patatas. Masarap din naman siya...at may naligaw pang Lanzones!
...at siyempre, ang hindi mawawala eh ang TEMPEH. Kalimitan utaw o soybean ang ginagamit sa paggawa nito, pero ito, munggo o balatong ang ginamit – mas matrabaho, pero mas masarap! Binuro o fermented na munggo, dinurog at hinulma, saka pinirito...lami gyud!
Pagkatapos ng kainan, may isa pang activity na ginagawa na alinsunod sa oras ng pagsikat at paglubog ng araw, ang AGNIHOTRA. Isa
itong ritwal na pampahilom ng daigdig, “healing
through burning” ika nga. Kalimitang
nawiwindang ang mga tao kapag nakikita kaming nagagawa nito, lalo na sa set-up pa
na ganito – well, carry lang!
Napakainam din ng AGNIHOTRA para sa mga estudyante, kasi FINALS WEEK nila, at kayang makatulong ito para hindi mawindang ang mga estudyante, pampakalma, pampaklaro at pampalakas ng mga isipan nila!
May HINDI camera shy anoh?
Marami na ring taon na ginagawa ito ni ‘nang Pam, at ilang taon na rin
akong suki…masarap eh, heheheh. Mabuti na lang at naiimbita ako parati dito,
kasi may bahagi din ako sa programa.
Pagkatapos ng kainan, ako naman ang nagtatrabaho, ipapaliwanag ko naman
ang INNER DANCING (gusto ko talagang makahanap ng Pinoy na pangalan para dito…). Parating nagugulat ang mga estudyante kapag
nagpaliwanag na ako tungkol dito. ‘yung
iba curious, marami natatakot…pero kasama iyon sa challenge ika nga, at bawat
batch ng mga sumusubok nito, parating may kakaiba.
Mas gusto ko ang set-up ngayon, datirati, nagpapatugtog lang kami ng
magandang instrumental na kanta, okay na, pero ngayon, at marami rin namang mga katutubong
musikang instrumento si ‘nang Pam, kami na lang ang tumutugtog at gumagawa ng
musika... at nakakagulat ang mga nabubuong musika – music artist ang peg!
Sa una, wala lang, tugtog lang ng ewan, pero mayamaya, magkakaroon na
ng harmony at rhythm, at ang ganda ng dating! As in, orihinal na musika talaga. Hmmmn, sana pala naire-record namin ‘yung mga kanta...
Eto, isa-isa silang bumulagta (kakaiba ngayon, eto ang unang batch na bumulagta lahat ng nagsisayaw).
Dyaraaaan! Oble ang peg!
Grabeh, INNER DANCE, bawat session, kakaiba mga manifestation mo!
So, next sem ulit, kitakits!