Sunday, 8 April 2012

Inner Dance March 2012

Okay, as in halos mag-iisang taon din akong 'di nakapag-post dito ah! Masyado kasing abala sa buhay eh, well...c'est la vie!

Noong March 27, inimbitahan uli ako ng kaibigan kong professor sa UPLB sa FoodFest sa bahay nila. Kada katapusan ng klase kasi, nag-o-organize siya ng FoodFest, nire-require nya ang mga estudyante nya na magdala ng mga HEALTHY FOOD, i.e., VEGETARIAN FOOD, para pag-aralan at pagsaluhan.

Siyempre, may konting programa bago kumain: ipapaliwanag ang mga dalang pagkain, paano ginawa, mga sangkap, kahalagahan at kung may history o kulturang nakakabit dito o wala lang (gawa lang nila 'yung recipe - na kalimitan ay nilagang kamote o talbos ng kamote, himala, sa 3 FoodFest na nagdaan, wala ng nagdadala nito)... ang parati kong inaabangan na pagkain sa FoodFest eh 'yung BEANUGUAN (pagakakataon kong kumain ng vegetarian na dinuguan)!

Pagkatapos ng presentation, siyempre ang inaabangang kainan (pinakapaboritong bahagi ng programa), at pagkatapos, kapag nakapahinga na ang mga tiyan, saka ako babanat...ng Inner Dance. Konting kasaysayan, paliwanag, tapos larga!

Eto ang mga ilang pictures ng FoodFest at Inner Dance sessions.


Photobucket
Siyempre, ang may pakana ng lahat, si Nang Pam!

Photobucket
Walang karne lahat yan!

Photobucket
Tsalap, tsalap!

Photobucket
Omnomnomnomnom....

At siyempre ang session!

Photobucket
...medyo, maayos pa...

Photobucket
...tapos nagiging ganito na...

Photobucket
...at ganito...

Photobucket
...medyo, nagsisimula ng maging sirkera...

Photobucket
...tulad nito...

Photobucket
...at ito! Halos 30 minuto o higit pa siyang nakaganyan!

Tagumpay na naman, napatunayan ko na uli yung lagi kong sinasabi ko sa kanila:

"Ang Inner Dance, mahirap siyang ipaliwanag at intindihin, pero madali siyang maranasan. Kapag naranasan mo na, madali mo na siyang intindihan, pero mahirap pa rin siyang ipaliwanag."


Bookmark and Share

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails