Monday, 14 October 2013

Foodfest, Agnihotra, at Inner Dance ulit!

Whoah, ang tagal na nga pala bago ako nakapagsulat ulit, marami kasing mga kadahilanan at isa sa mga mahalagang dahilan ay ang katamaran…JOKE!  Masyado lang po talaga abala, heheheheh….

Kada huling araw ng semestre, ang kaibigan kong si ‘nang Pam, isang propesor sa UPLB,  ay nag-oorganisa ng isang magulay na piging o VEGETARIAN FOODFEST.  Propesora kasi siya ng agrikultura at nakatuon sa pagpalaganap ng Likas-Kayang Pagsasaka (SUSTAINABLE AGRICULTURE), kaya KAKAIBA ang DRAMA nya! Mabuti na lang.

Sa huling lingo ng semestre, ang lahat ng kanyang mga estudyante ay kailangang maghanda at mag-present ng isang pagkain na gawa sa gulay (vegetarian) at ipaliwanag ang kahalagahan nito.  Maraming estudyante, mas okay, kasi, mas maraming pagkain!  Pwedeng mga family recipe, simple, o maging creative at gumawa ng sariling recipe.  Kalimitan, 'di ko alam kung mabuti o masama, gawa-gawa lang na mga recipe!

At ang hirit, kasi nga mga estudyante, well, depende naman sa kanila, may okay maghanda – as in bonggacious, at meron din namang hinde.  May isang foodfest na tatlo (3) grupo na ang naihanda eh, nilagang talbos ng kamote – very creative nga!  Pero ngayong taon, himala, walang naghanda n’un!

At siyempre, pagkatapos ng mga paliwanag, susunod na ang pinakamasayang bahagi ng piging, TSIBUGAN na! 

 photo pam.jpg
Kitams, WALANG karne lahat 'yan!

 photo salad.jpg
Makulay na gulay (power salad)!  Mas makulay, mas masustansiya! 

 photo mechado.jpg
Mechadong gluten.  Masarap siya kasi first class na gluten 'yung ginamit!

 photo tofu.jpg
Tofu o tokwa.  In fairness, masarap ang pagkakaluto nila!

 photo pasta.jpg
Garlic pasta.  Simple pero masarap!

 photo potatoes.jpg
Patatas.  Masarap din naman siya...at may naligaw pang Lanzones!

 photo tempeh.jpg
...at siyempre, ang hindi mawawala eh ang TEMPEH.  Kalimitan utaw o soybean ang ginagamit sa paggawa nito, pero ito, munggo o balatong ang ginamit  mas matrabaho, pero mas masarap!  Binuro o fermented na munggo, dinurog at hinulma, saka pinirito...lami gyud!

Pagkatapos ng kainan, may isa pang activity na ginagawa na alinsunod sa oras ng pagsikat at paglubog ng araw, ang AGNIHOTRA.  Isa itong ritwal na pampahilom ng daigdig,  “healing through burning” ika nga.  Kalimitang nawiwindang ang mga tao kapag nakikita kaming nagagawa nito, lalo na sa set-up pa na ganito – well, carry lang!  

Napakainam din ng AGNIHOTRA para sa mga estudyante, kasi FINALS WEEK nila, at kayang makatulong ito para hindi mawindang ang mga estudyante, pampakalma, pampaklaro at pampalakas ng mga isipan nila!

 photo agni.jpg
May HINDI camera shy anoh?

Marami na ring taon na ginagawa ito ni ‘nang Pam, at ilang taon na rin akong suki…masarap eh, heheheh.   Mabuti na lang at naiimbita ako parati dito, kasi may bahagi din ako sa programa.  

Pagkatapos ng kainan, ako naman ang nagtatrabaho, ipapaliwanag ko naman ang INNER DANCING (gusto ko talagang makahanap ng Pinoy na pangalan para dito…).  Parating nagugulat ang mga estudyante kapag nagpaliwanag na ako tungkol dito.  ‘yung iba curious, marami natatakot…pero kasama iyon sa challenge ika nga, at bawat batch ng mga sumusubok nito, parating may kakaiba. 

Mas gusto ko ang set-up ngayon, datirati, nagpapatugtog lang kami ng magandang instrumental na kanta, okay na, pero ngayon, at marami rin namang mga katutubong musikang instrumento si ‘nang Pam, kami na lang ang tumutugtog at gumagawa ng musika... at nakakagulat ang mga nabubuong musika – music artist ang peg! 

Sa una, wala lang, tugtog lang ng ewan, pero mayamaya, magkakaroon na ng harmony at rhythm, at ang ganda ng dating!  As in, orihinal na musika talaga.  Hmmmn, sana pala naire-record namin ‘yung mga kanta...

 photo inner_1.jpg
Eto, isa-isa silang bumulagta (kakaiba ngayon, eto ang unang batch na bumulagta lahat ng nagsisayaw).

 photo inner_2.jpg
Dyaraaaan! Oble ang peg!

 photo inner_3.jpg

Grabeh, INNER DANCE, bawat session, kakaiba mga manifestation mo!


So, next sem ulit, kitakits!

Bookmark and Share


No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails