Thursday, January 20, 2011
Black Madonna and Child
Wednesday, January 19, 2011
Bagong Taon, Bagong Nahipuan.....
As usual, medyo nahihiya kapag minamasahe ko sila (medyo may pagka-exhibitionist kasi ako eh, lalong ginaganahan kapag nasa public, hehehe)…kakaiba kasi ginagawa ko sa kanila eh, kulang na lang maging sirkero sila!
Eto ang mga kuha ng mga nabiktima ko…
At siyempre, habang nasa session, parati na lang natatakot (hindi alam ang mangyayari), nahihiya (kakaibang ginagawa o posisyon) at medyo nasasaktan (aligning kasi ng energy ang ginagawa ko, eh chakra mismo ng katawan ang napipindot ko kaya medyo masakit ang pakiramdam – well, sa una lang naman, sanayan din lang naman) ang mga biktima ko…pero kapag natapos na…iba na ang nararamdaman nila o hindi maipaliwanag na pakiramdam.
Eto ang pruweba, natanggap ko ito kinabukasan ng umaga mula kay Raipo…
“Johnny kung anuman ung gnawa u sa kin khpon maraming salamat. Masigla ako ngayon tsaka nawala ung sakit sa likod ko.”
Nagulat pa nga ako ng matanggap ko ang text, sa simula, parang na-offend eh, hehehe….’di pala. ‘di ko na nasagot kasi walang load, sabi ko sa sarili ko, bawi na lang ako, i-feature ko na lang siya sa blog ko.:D
Thursday, January 6, 2011
Unang pasayaw sa taong 2011!
May napasayaw na uli ako, at unang session ito para sa taong kasalukuyan. Maganda naman ang mga nangyari, as usual, kakaiba – ang bilis nga nagsimula at natapos ang session eh! Sana masundan pa ng marami….
Babaeng kaibigan siya ng kaibigan kong babae (oh say!). Ngayon lang uli sila nagkita…eh nagkataon namang dumalaw ako sa kaibigan ko, kaya ayun, nagkakilanlan kami. Dati ko na siyang kilala sa pangalan at reputasyon, Josephine “Jojo” Cagurangan, at ngayon, ayon sa kanya, isa na raw siyang ley na madre. Dati kasi, ‘di kami masyadong nagkakausap (iba pa kasi ako n’un), kahapon lang talaga medyo naging wild ang pag-uusap namin. Nabalitaan nya na ang inner dance, marami siyang kilala na nakapag-inner dance na, at siyempre, very curious siya kung ano ito, kaya gusto nyang maranasan ‘yun… kaya, ayun, pagkakataon na kagabi!
At pagkatapos nga naming magkwentuhan ng matagaaaal sa hapunan sa bahay ng kaibigan naming, si Pam, ayun, nagsimula na kami.
As usual, kakaiba na naman ang nangyari… ang bilis niyang nakapag-inner dance…konting minuto lang, dire-diretso na kaagad sayaw niya. May injury kasi siya sa kaliwang tuhod, kaya medyo doon nag-concentrate o focus ang galaw ng mga kamay ko at katawan nya. May mga pagkakataong pinahiga at pinatayo ko siya, tapos inuunat-unat at binabaluktot ang paa at tuhod nya, na talaga namang medyo napapahiyaw siya sa sakit (kasama talaga sa session ‘yun!), pero sa bandang huli, umaliwalas na mukha niya.
At ilang minuto pa nga, lumabas na ‘yung sarili nyang sayaw! Siya ng mag-isa ang sumasayaw, kusa na siyang tumayo, nagpapadyak, iniuunat-unat ang mga kamay niya at nag-ala-Igorot na sayaw. Tapos, hinayaan ko lang. Ako naman, sayaw na rin ng para sa akin…tapos napansin ko ‘yung isang kaibigan namin, si Pam, inner dance na rin siya…kakaiba na naman!
Mga 45 minuto kaming sayaw tapos, kusa ng tumigil at natapos…at siyempre, iisa ang hinahanap pagkatapos, TUBIG!
Pahinga, usapan at katanungan ang sumunod na mga pangyayari.
As usual, sa inner dance – MAHIRAP IPALIWANAG, PERO MADALING MARANASAN, AT KAPAG NARANASAN MO NA, MAHIRAP PA RING MAIPALIWANG – pero very relieved at satisfied ka naman kung ano ‘yung nangyari…ika nga eh, namnamin mo na lang ‘yung naranasan mo na kakaiba.
Sa usapan namin, naitanong kung bakit Igorot na sayaw ang ginawa ni Jojo? Kasi may dugong Igorot pala siya, so, nakatatak na sa etheric nya ang sayaw ng Igorot (so, isang realization ko bigla, na ang Igorot dance ay nagmula sa inner dance…). Tapos sa huling bahagi ng session o sayaw, pagmulat nya may nakita raw siyang magandang babaeng nakabelo na nakangiti sa kanya – okay, kakaiba ito kasi, kadalasan feminine presence lang ang manifestation, pero sa kanya, nakita nya talaga! Hindi nya kilala ang babae, pero okay lang naman daw na nginitian siya. Sa una, akala nya, nanay nya na matagal ng patay ang nakita nyang babae, pero hindi raw, parang matanda na bata o bata na matanda ang itsura…pero okay lang naman daw, hindi naman raw siya natakot d’un sa babae.
‘Si Pam naman, grabeh din ang ginawa nya…parang cataharsis na rin dahil kakaiba sa dati nyang sayaw ang ginawa nya, para siyang sirkero sa mga pinaggagawa niya. Sabi ko, parang matagal na hindi siya nakapag-inner dance kasi mukhang sabik na sabik ang katawan nyang sumayaw eh! Napangiti siya, aminado na kapag nagse-session lang daw ako sa bahay nya nakakapagsayaw ulit.
Medyo lumalalim na ang gabi, kaya tinapos na namin ang usapan. Marami pang gusto sanang pag-usapan, kaso kailangan ko pang magbyahe pauwi. Bago kami maghiwalay, napagtanto ni Jojo na ultimo siya, na marami ng naging karanasan sa buhay at mahilig humanap ng mga kasagutan sa mga katanungan, ay hindi maipaliwanag ang inner dancing, heheheh, ayos!:D
Monday, March 15, 2010
Update?
Thursday, May 21, 2009
inner drawing
Kakatuwa, hehehe....
Si Robert Smith ng The Cure...wehehe, 'di lang pala mga patay na tao ang kaya kong i-drawing....
Saturday, April 11, 2009
Ang sayaw Part 3
Siyempre, masarap ang feeling, energized, kaya ang ginawa ko eh, gimik na kaagad pagdating ng
Tapos n’ung pumunta ako, may mga nagsasayaw na sa may parke, mga katutubong sayaw at pigil na pigil ko ang sarili ko, dahil gusto kong sumali sa kanila! Mabuti na lang at napigilan ko, hehehe, kakahiya naman…marunong din naman pala akong mahiya…’dami kasing tao eh!
Gabi na noon, tapos nakita ko na mga kaibigan ko…inom dito…nood d’un…tapos n’ung pahuli na, maganda na ‘yung konsyerto, halos nagsasayaw na lahat kaming nanonood, bigay na bigay! At ako, well, indak dito at indak d’un, pero sa totoo lang, nag-i-inner dance ako…nasa public pero hindi halata, hehehe!
Natapos na si konsyerto…at umuwi na ako.
Kinabukasan,since nag-inner dance na ako, gusto ko pa ulit.
Pero, nang ako na lang mag-isa…parang ang hirap. Nag-i-inner dance nga ako, pero, mabigat…parang pilit ang sayaw…nakakailang, mahirap, lisod kaayo.
Nakailang ganitong pakiramdam ako, tapos parang nawawala….
Tapos, mortal po ako, tao lang…nang medyo kinati, tawag ng laman at nakipag-sex ako…ayun, lalong nawala! As in, wala na talaga uli….
Siyempre, nalungkot ako.
Matagal na uli bago ako nakasayaw, kasi, naghintay pa uli ako ng schedule na pauwing main office naming para makapagsayaw o ma-jump start ika nga. Halos isang buwan ang nakalipas. Ang pakiramdam ko – malungkot, mabigat ang katawan, parang may kulang.
Makalipas nga ang isang buwan, nakabalik ako sa main office namin. May naengganyo na bagong kaibigan na mag-inner dance, nakisabay na lang ako.
Pagdating d’un, tanong ko kaagad kung bakit nawala. Sabi n’un ni Pi, ‘di daw ‘yun nawala…parang nagtago lang, kasi, ini-expect ko daw parati, eh p’pag gan’un, lalong hindi lalabas…dapat, wala lang…relax, hayaan lang, at walang iniisip.
Nang mag-session kami, kasama ang isang kaibigan, si Jeffrey Tupas, dalawa kaming naka-schedule. Ako, naman, siyempre, maski nasabihan na kung ano dapat ang iisipin o hindi dapat isipin, gan’un pa rin. Excited eh, ang kulit!
N’ung mag-session na…ang tagal, ang tagal kong nakaupo lang…samantalang ‘yung kasama ko, nagsimula na.
Kakaiba ‘yung naging sayaw niya. Kasi, ginawa nyang parang drum o tambol ang kanyang katawan at lumikha siya ng tunog namay ritmo. Kung papakinggan mo ‘yung tunog, mapapaisip ka, hindi mo alam kung paano nya nagawa ‘yung mga tung, aling parte ng katawan nya ang ginamit nya at higit sa lahat, ‘di kaya masakit ‘yun? Masakit ‘yun kasi ang lakas ng tunog, lagapakan!
Siyempre, ako, inggit na inggit. Wala pa rin kasing nangyayari sa akin.
Hindi gumagalaw ang katawan ko…walang sayaw! Nakapikit at nakaupo lang…naghihintay.
Pero…
…may iba akong nakikita naman…mga dolphin…naglalangoy…kulay asul sila? Maraming bula. Parang monochromatic ang dating o itsura ng nakikita ko…palayo sila…tapos coral reefs…maraming koral, parang mga patay…walang isda, tapos pula ang tubig…lahat ng nakikita ko kulay pula…parang dugo!
Tapos, parang nagising na ako, takot, tapos na pala ang session.
Pahinga muna, then usapan. Tanong sa mga nangyari…ako siyempre, maraming tanong…una bakit hindi ako nagsayaw? Sagot, inexpect ko na naman kasi. Tapos tinanong nya ako kung may nakita ako. Tapos kinuwento ko nga. Sabi nya, ‘yun daw ang naging sayaw ko, o manifestation ng sayaw ko…visions…tapos habang nag-uusap kami…napansin nya na parang naiilang ako. Tama nga siya…kasi iba ang nakikita ko sa harapan ng kausap ko…may iba akong nakikita!
Habang kausap ko ‘yung kausap ko, parang may t.v. na naka-impose sa kausap ko at hayop ang nakikita ko. Tumingin ako sa iba…ibang hayop naman. Sinabi ko sa kanila kung anong hayop nila ang nakikita ko…tapos ‘yun nga…sabi nya, visions nga…animal spirit naman ang nakikita ko…animal spirit ng tao ang nakikita ko…ang ganda ng dating eh…parang may projector sa unahan!
Tapos habang nag-uusap kami…may visions na naman…sabi ko, para akong naglalangoy…sabi nya, ikwento ko lang daw…tapos ipikit ko raw mga mata ko, para mas makita ko…ipinikit ko nga. Wala akong nakita, iminulat ko uli…may visions uli…sabi ko, mas okay kapag nakamulat, at ikinuwento ko kung ano nakikita ko.
‘yun nga, naglalangoy ako…malinis na tubig…masarap maglangoy…nakatingin ako sa araw, mula sa ilalim ng tubig…may dumaan na anino…parang bangka ang dumaan…sinundan ko ang bangka…umahon sa tubig…mamang nakasalakot ang nagsasagwan sa bangka…nasa pampang na siya…sinalubong siya ng pamilya nya…babae…nakatapis at kamison…at anak nilang batang lalake…kubo…ang ganda ng tanawin..bundok sa likuran nila. Tinanong ni Pi kung saan ang setting…akala ko, Vietnam, gawa ng salakot na patilos…sumilip ako sa bahay…may watawat, pilipinas nga! Teka, parang pamilyar ang setting…parang sa mga pinta ni Amorsolo ang dating! Tinanong ko, ano ako n’un…tingnan ko raw sarili ko…may buntot…sirena! Tangek, hehehe, ambisyosa, ilusyunada! Dolphin ako…naging dolphin ako.
So, ‘yun ang bagong manifestation ng sayaw ko…hindi physical na sayaw…time travel at visions. Tapos kinuwento ko pa ‘yung isang nakita ko ‘yung pula na corals. Sabi niya, hindi maganda ‘yung nakita ko…”death of a system” daw kasi ‘yun…lalo na ‘yung pulang tubig o dugo.
Tapos,napunta ang kwentuhan sa mga dolphin, kasi halos lahat kami d’un sa session, may vision pala ng mga dolphin…o nagpakita sa amin ang mga dolphin…isa lang daw ang ibig sabihin ‘nun…nagpapaalam na sila sa mundong ito…aalis na sila. Hindi man sila nakalista sa endangered species, pero sila na raw ang susunod na ma-extinct sa mundo na ito…nakakalungkot at nakakatakot naman!
Ngayon ko lang naisip, habang sinusulat ko ito, may mga kakaiba nga palang nangyari sa mga dolphin sa ating bansa at sa ibang bansa nitong nakaraang buwan lang. Dagsa-dagsang mga dolphin, lampas isandaan ang bilang, ang pumunta noon sa pampang, at parang gustong magpakamatay, beaching ang tawag dito…sa parteng Batanes ‘yun, tapos ilang araw o linggo, sa ibang bansa naman, gan’un din ang nangyari…at walang makapagpaliwanag kung bakit nangyari ‘yun! Hmnnnn….
Balik tayo n’un…tapos, nagpahinga na kami n’un.
Kinabukasan, maaga kaming nagising at sa hapon pa naman ang luwas pa Davao, humirit pa ako ng isang session, dahil gusto ko talagang magsayaw.
Tatlo lang kami, ako, si Jeff, tapos si Bong ang nag-facilitate sa amin.
Walang musika n’un, mag-experiment daw kami…kung ano raw lang daw ‘yung naririnig namin sa paligid, ‘yun daw ang magiging musika namin.
At ganun nga ang nangyari. Si Jeff,’yung kasama ko, konting sandali lang, nagsayaw na uli kaagad…human percussion na naman…ako, wala lang.
Tapos, bugnot na naman, masama ang loob, gustong magsayaw, pero ayaw na naman…pero..may kakaiba na namang pakiramdam!
Para akong nakasakay sa roller coaster…taas baba. Pataas, pababa…bumubulusok! Tapos, may mga imahe akong nakikita…sibilisasayon…parang kastilyo namaraming tusok tusok, maiitim na makinis o makintab…tapos parang Atlantis…marble na puti na makinis na nasa loob ng isang dome!
Tapos…dagat na itim..gabi kasi kaya makintab o makinang na itim ang tubig…tapos may mga simbolo sa ibabaw ng dagat…mga bilog…itim na bilog sa gitna ng malaking bilog na puti…pito sila..magkakadikit…pinagdidikit ng mga linya…parang may pattern ang pagkakadikit nila….
Tapos…roller coaster na naman…gising na uli…tapos na session.
‘yun, diskusyon uli…talaga raw ayaw muna akong pagsayawin…ibang manifestation talaga ng inner dance ang lumabas. Time travel at astral projection daw ginagawa ko. Tinanong ko kung ano ‘yung mga nakita ko…lalo na ‘yung bilog-bilog, hanapin ko na lang raw, malalaman ko raw ‘yun.
Pauwi na, napadaan ako sa office ng bosing ko…napansin ko, may globo d’un na may mapa ng mga pormasyon ng mga bituin o konstelasyon. Out of curiosity, parang na-magnet ako na tingnan…humanap ako ng konstelasyon namay pitong bituin…’di ko makita…sabi ng kasama ko, Pleiades, ‘yun dawang hanapin ko….
Nahanap ko nga, pero, iba naman…pero teka, baligtarin ko kaya…at iyun nga! Reflection kasi sa dagat ‘yung nakita ko, kaya baligtad sa kalawakan! Kalimitan daw, sa mga psychic, ‘yun daw ang parating nata-tap nila… kalimitang nagpapakita o nagpaparamdam.
Ayun, kahit papaano, nasiyahan na rin ako, kahit hindi nakapagsayaw. Umuwi na ako n’un ng Davao. Hindi na ako nagsayaw sa van.
Naghintay uli ako n’un ng isang buwan para makauwi uli sa main office…at doon, nakapagsayaw na uli ako…at ibang manifestation na naman ang naranasan ko.
Ito na ‘yung masahe…kung ano ako ngayon…sa susunod na uli…mahaba na eh!
Wednesday, March 25, 2009
May napasayaw na naman!
..ngek, masyadong pormal!
Ulit.
Wala lang, naanyayahan lang ako sa isang Foodfest ng isang klase ng kaibigan ko sa UPLB. Pumunta raw ako at makisalamuha daw sa mga estudyante nya (well, sa totoo lang, naka-feature daw ako sa mga exam nya...whoah!).
So, ayun na nga, nakaldkad ko ang isa ko pang kaibigan ko na kaladkarin, si Bjorn, pumunta kami sa bahay nya, d'un kasi ang venue.
Pagdating namin d'un, tama lang, eating time na...daming pagkain! Take note, vegetarian dishes....dami talaga!
Enjoy! Busog!
Tapos, pahinga, chicka...tapos simula na konting presentation, kung ano "inner dance"...then, maraming tanong! 'buti, dala ko trusted kong flash drive at pinanood ko na lang n'ung "dancer within" na video.
Tapos, as usual, "minasahe" ko lahat ng tao d'un...mga mahigit 20 siguro...
Tapos, n'ung nasa panghuli na kong minamasahe, si Sam (isa sa mga graduate student, na parati ko na rin siyang namasahe), malapit lang at tumutugtog kasi n'un 'yung kaibigan ko na si Bjorn ng wooden xylophone na nakita nya lang d'un, medyo naging "kakaiba" na 'yung masahe ko sa kanya. Mas madalas na pinagagagalaw ko na ng katawan niya, ika nga eh, pinapagiling!
Para talagang sumasayaw na siya sa saliw ng tinutugtog ni Bjorn.
Ang ginawa ko, pinuntahan ko si Bjorn at sinabi ko sa kanya, ituloy nya lang pagtugtog, tapos, ipikit nya mga mata nya, para 'di siya ma-conscious o mahiya o sa ginagawa nya.
Tapos, binalikan ko si Sam, sabi ko, ipikit nya mga mata nya, tapos pakinggan nya lang ang musika, namnamin, relax, at kung ang katawan nya eh parang may gustong gawin, gawin nya lang.
'yun nga nangyari, ilang segundo lang, nag-inner dance na siyang mag-isa!
Tapos, may nakaupo na ibang estudyante na nonood, tinanong ko kung gusto nya, umoo naman. Kaya ayun, pagkalipas ng ilang minuto, nag-inner dance na rin!
At eto ang nakakatuwa, kasi, 'yung musika, okay na ang tunog, may rhythm na at okay na pakinggan, paglingon ko kay Bjorn, nag-i-inner dance na rin pala siya! Hahaha! Tuwang-tuwa ako, kasi, kung pormal na aanyayahan ko 'yung mag-inner dance, di siya papayag at ookrayin nya lang ako. Kaso, nakapag-inner dance siya ng 'di oras, wehehehe!
Tapos, sumunod na rin 'yung isa pang estudyante (graduate student din), tapos si Ate Rina at si Ma'am Pam naman. Medyo alinlangan pa nga si ate Rina, kasi maliit 'yung lugar, baka daw magpagulong-gulong nanamn siya eh masagi 'yung iba. Sabi ko hindi, mag-a-adjust 'yan. Nag-adjust nga, naka-lotus sitting position lang siya, at upper body part nya lang 'yung nagsayaw ng husto.
Si ma'am Pam naman, una, nakatayo, at iwinawasiwas lang kamay sa likod ng estudyante, mayamaya, nag-inner dance na rin!
Apat 'yung sabay-sabay!
At siyempre, ako sa gitna, wehehehe....
Nang matapos na, sabi ko, pahinga muna, namnamin ang mga nangyari, at mayamaya ang QandA.
Iisa ang gusto ng lahat: TUBIG.
Tapos, 'yun, dami ngang tanong...okay naman daw.
Hehehe, aliw, sarap ng feeling!
Sunday, March 15, 2009
Ang sayaw Part 2
Hapon o pagabi na ako nakarating nga Batasan, Makilala,Cotabato. Mahigit dalawang (2) oras ang byahe galing
Pagdating ko d’un, naghapunan na muna’t nagpahinga ng kaunti, saka umakyat sa may Trinitas para mag-session.
Naroon ang isa ko pang kaibigan, si Rosalie o Rose kung tawagin namin ng Enigmata, at isa rin siya sa mga nag-facilitate ng inner dancing. The usual na set-up, malawak na lugar, patay ang ilaw, kandila lang ang ilaw, insenso o scented oil at musika.
May nauna na sa aking isalang, o nag-i-inner dancing na, ako medyo nainggit, sabi ko na lang sa sarili ko, ako din!
Ako na. Umupo sa sahig at ipinikit ang mata. Nagdasal, kasi parang medyo natakot ako. At Nakiramdam.
Nakiramdam.
Sa isip ko, wala namang nangyayari…tapos, may kumukurot-kurot pa sa ‘kin sa braso. May sumusundot-sundot pa sa likod ko. Kinakagat-kagat (?) ang talampakan ko.
Ako, nakiramdam lang.
Tapos, ang paa ko, pilit pinagagalaw. Pinagdampi ang mga pisngi ng mga talampakan namin at pilit na ginigiya ang aking mga paa para gumalaw. Ako, wala lang…pagbigyan. Nakakiniis na nga eh.
Wala pa rin.
Tapos, mayamaya, ng parang nainis na ko sa sarili ko, at walang nangyayari, hinayaan ko na nga lang. Inalis lahat ang nasa isip ko.
Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko! At biglang nagdilim. Maski naman nakapikit ka eh alam mo naman ang paligid mo kung maliwanag o hindi. Tapos, parang may disco lights. Patay-sindi ang mga ilaw at ang dami. Nasa spotlight yata ako? Tapos pulang araw? Nakatutok o nakatingin ako diretsa sa pulang araw? Iyan ang mga nasa isip ko n'un.
Gumagalaw ang kamay ko…kusa!
Bakit gan’un? Tanong ko sa sarili ko.
Nagpagulong-gulong ako sa sahig.
Pati mga paa ko gumagalaw na rin. Parang elisi ng helicopter ang mga paa ko! Umiikot!
At ako, umaangil!
Tapos, tumayo ako, at patuloy pa rin ang pagsayaw. Nag lambot ng katawan ko…teka, hindi ako marunong magsayaw, bakit malambot ngayon ang katawan ko sa pagsayaw? Tanong ko sa sarili ko.
Tapos, ang mga kamay ko, parang sa mga taga-Thailand ang sayaw. Parating wavy ang movement. Maski mga daliri ko, hindi ko makontrol, malantik na malantik! Tapos, parang mga elisi pa uli, umiikot ng mabilis ang mga kamay at braso ko!
At umaangil pa rin ako! Inis na inis!
…pero masarap….
Tapos, patuloy lang ang pagsayaw ko…tapos, sa isip ko, habang nakapikit pa rin, iba na ‘yung nakikita ko…malalim na balon…ang lalim-lalim! Hindi ko makita ang pinakailalim.
Tapos, parang gumaan uli, parang may flash ng kamera, dumilim uli at iba na uli nakita ko. Mga nakalutang na bato. Malalaking bato. Nakalutang. Nakahilera, parang asteroid belt…pati background, parang space. Tumingin ako sa paa ko, nakatayo pala ako sa isa sa mga malaking bato.
Tapos, may flash uli, dumilim na uli at nagmulat ako.
Unang salita ko, “pahinging tubig”.
Nakalimang basong punong-puno ng tubig, sunod-sunod kong nilagok. Pawisan at pagod na pagod ako.
Nang medyo nahimasmasan na ako, saka ko lang napansin, sa akin pala nakatingin ang lahat. Tapos, niyakap nila ako at mga nakangiti.
Pahinga muna…at siyempre puro tanong!
Sinabihan muna akong huwag mag-isip ng mga tanong, damhin at lasapin ko raw muna ang mga nangyari.
Naupo kami at ikinuwento sa akin ang mga pinaggagawa ko.
Grabeh, nakangiti lang ako…hindi ko akalain na gan’un ang mga pinaggagawa ko.
At hindi ako makapaniwala, nakapagsayaw ako!
Ang sarap ng pakiramdam at ang gaan ng katawan. Tapos, kapag nagsasalita ako, tungkol sa mga naranasan ko, kasabay ng paggalaw o pagsayaw ng mga kamay ko.
Mga tanong at kasagutan. Catharsis na pala ‘yung ginawa ko, sa porma ng pagkainis o pag-angil. Nag-out of body experience ako o astral travel daw ako. Sa space pa raw! Kasi planetang Saturn daw ‘yung lugar na pinuntahan ko base sa pagkakalarawan ko. Ang sarap ng pakiramdam.
Apat (4) na oras o maghigit pa pala akong walang tigil sa pagsasayaw noon.
Ang sarap ng tulog ko pagkatapos.
Kinabukasan, pumunta muna kami sa may hot spring sa itaas at meron d’ung parang maliit na swimming pool.
Kinahapunan, balik na uli akong
Kaya hanggang
Heps, may nangyari pa pagkatapos, pero sa susunod na uli….
Friday, March 6, 2009
May napasayaw ako!
Doon kami sa bahay ng kaibigan ko, si Pam, nag-session. Medyo malawak kasi eh. Tapos siya at 'yung kapatid nya na si Rina ang nagsayaw.
Okay nga nag nangyari eh...nagsindi lang ako ng scented candle, tapos pinatay ko na ang ilaw. Nagpatugtog ng musika na medyo meditative ang dating - ang napili namin, "songs of the whales". Pinaupo ko na sila, tapos si Rina, sabi ko, relax lang. Huwag mag-expect ng kung ano pa man. Huwag matakot. Mag-relax lang na parang natutulog, tapos kung may gustong gawin ang katawan niya, gawin nya lang.
Abah, ilang segundo lang eh, habang pinapatugtog ko ang isang instrumento na parang batingaw eh, biglang nag-trance na si Rina!
Gumagalaw na ulo nya, pati mga kamay at pagkatapos ay nahiga sa sahig at nagpagulong-gulong na!
Dati-rati, kapag nagpapa-session ako, medyo nahihirapan at naiirita ako, kasi ang hirap pasayawin, eh ngayon, ang bilis!
Tapos, 'yung kapatid nya rin, si Pam...pag-upo at pagpikit ng mata, trance na rin! Nag-inner dance na kaagad!
Ang ganda ng mga sayaw nila!
Naka-isang oras kami ng pagsasayaw, tapos discussion na ang mga sumunod...
...iisa parati ang tanong: bakit o paano daw siya nagsayaw?
Hahaha, kalipay kaayo!
Ang inner dance kasi, mas maiging maranasan kaysa ipaliwanag!
Thursday, March 5, 2009
Iba pang gawa ko at si nicky!
...unnnhhhh, "untitled" na muna ang pangalan nito....
Tapos, ito naman ang pinagkakaabalahan ko ngayon, medyo malabo ang kuha, pero malaki 'yan tapos kumbinasyon ng malalaki at maliliit na "inner dance cells" (pero ang tawag ni Gerry eh "swerlies")...actually, isang cell, isang inner dance, kaya talagang powered up ako habang ginagawa ko ito! Ang titulo nito eh "Inner dancing: Women".
At bakit kanyo iyun ang titulo? Sabi kasi ng lahat ng nakakita na, iyun ang sinasabing nakikita nila, kaya sinunod ko na rin, hehehe....
"Inner dancing: Women"...kailangan ko pang i-translate sa bisaya o ilonggo...3ft x 4ft naman ang laki nito!
Tapos, nito lang miyerkules, naimbitahan ako sa isang talk ni Mr. Nicanor "Nicky" Perlas, at okay naman ang kinalabasan. As usual, kulang na naman ang oras basta si Nicky ang nagsalita at ang DAMI-DAMI mong gustong itanong...well, magkakaroon naman ng mga follow-up na talks pa, kaya marami pang magiging pagkakataon.
Naitanong ko naman ang gusto ko, pero gusto ko siyang makausap at maka-session sa inner dance...ano kaya ang mangyayari kung sakali?
Ako at si Fafah Nicky!