Bilang pangako ko sa taong 2011, pipilitin ko na ngang mag-update dito…grabeh, ang tagal na nga pala….
May napasayaw na uli ako, at unang session ito para sa taong kasalukuyan. Maganda naman ang mga nangyari, as usual, kakaiba – ang bilis nga nagsimula at natapos ang session eh! Sana masundan pa ng marami….
Babaeng kaibigan siya ng kaibigan kong babae (oh say!). Ngayon lang uli sila nagkita…eh nagkataon namang dumalaw ako sa kaibigan ko, kaya ayun, nagkakilanlan kami. Dati ko na siyang kilala sa pangalan at reputasyon, Josephine “Jojo” Cagurangan, at ngayon, ayon sa kanya, isa na raw siyang ley na madre. Dati kasi, ‘di kami masyadong nagkakausap (iba pa kasi ako n’un), kahapon lang talaga medyo naging wild ang pag-uusap namin. Nabalitaan nya na ang inner dance, marami siyang kilala na nakapag-inner dance na, at siyempre, very curious siya kung ano ito, kaya gusto nyang maranasan ‘yun… kaya, ayun, pagkakataon na kagabi!
At pagkatapos nga naming magkwentuhan ng matagaaaal sa hapunan sa bahay ng kaibigan naming, si Pam, ayun, nagsimula na kami.
As usual, kakaiba na naman ang nangyari… ang bilis niyang nakapag-inner dance…konting minuto lang, dire-diretso na kaagad sayaw niya. May injury kasi siya sa kaliwang tuhod, kaya medyo doon nag-concentrate o focus ang galaw ng mga kamay ko at katawan nya. May mga pagkakataong pinahiga at pinatayo ko siya, tapos inuunat-unat at binabaluktot ang paa at tuhod nya, na talaga namang medyo napapahiyaw siya sa sakit (kasama talaga sa session ‘yun!), pero sa bandang huli, umaliwalas na mukha niya.
At ilang minuto pa nga, lumabas na ‘yung sarili nyang sayaw! Siya ng mag-isa ang sumasayaw, kusa na siyang tumayo, nagpapadyak, iniuunat-unat ang mga kamay niya at nag-ala-Igorot na sayaw. Tapos, hinayaan ko lang. Ako naman, sayaw na rin ng para sa akin…tapos napansin ko ‘yung isang kaibigan namin, si Pam, inner dance na rin siya…kakaiba na naman!
Mga 45 minuto kaming sayaw tapos, kusa ng tumigil at natapos…at siyempre, iisa ang hinahanap pagkatapos, TUBIG!
Pahinga, usapan at katanungan ang sumunod na mga pangyayari.
As usual, sa inner dance – MAHIRAP IPALIWANAG, PERO MADALING MARANASAN, AT KAPAG NARANASAN MO NA, MAHIRAP PA RING MAIPALIWANG – pero very relieved at satisfied ka naman kung ano ‘yung nangyari…ika nga eh, namnamin mo na lang ‘yung naranasan mo na kakaiba.
Sa usapan namin, naitanong kung bakit Igorot na sayaw ang ginawa ni Jojo? Kasi may dugong Igorot pala siya, so, nakatatak na sa etheric nya ang sayaw ng Igorot (so, isang realization ko bigla, na ang Igorot dance ay nagmula sa inner dance…). Tapos sa huling bahagi ng session o sayaw, pagmulat nya may nakita raw siyang magandang babaeng nakabelo na nakangiti sa kanya – okay, kakaiba ito kasi, kadalasan feminine presence lang ang manifestation, pero sa kanya, nakita nya talaga! Hindi nya kilala ang babae, pero okay lang naman daw na nginitian siya. Sa una, akala nya, nanay nya na matagal ng patay ang nakita nyang babae, pero hindi raw, parang matanda na bata o bata na matanda ang itsura…pero okay lang naman daw, hindi naman raw siya natakot d’un sa babae.
‘Si Pam naman, grabeh din ang ginawa nya…parang cataharsis na rin dahil kakaiba sa dati nyang sayaw ang ginawa nya, para siyang sirkero sa mga pinaggagawa niya. Sabi ko, parang matagal na hindi siya nakapag-inner dance kasi mukhang sabik na sabik ang katawan nyang sumayaw eh! Napangiti siya, aminado na kapag nagse-session lang daw ako sa bahay nya nakakapagsayaw ulit.
Medyo lumalalim na ang gabi, kaya tinapos na namin ang usapan. Marami pang gusto sanang pag-usapan, kaso kailangan ko pang magbyahe pauwi. Bago kami maghiwalay, napagtanto ni Jojo na ultimo siya, na marami ng naging karanasan sa buhay at mahilig humanap ng mga kasagutan sa mga katanungan, ay hindi maipaliwanag ang inner dancing, heheheh, ayos!:D
Thursday, January 6, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment