Wednesday, March 25, 2009
May napasayaw na naman!
..ngek, masyadong pormal!
Ulit.
Wala lang, naanyayahan lang ako sa isang Foodfest ng isang klase ng kaibigan ko sa UPLB. Pumunta raw ako at makisalamuha daw sa mga estudyante nya (well, sa totoo lang, naka-feature daw ako sa mga exam nya...whoah!).
So, ayun na nga, nakaldkad ko ang isa ko pang kaibigan ko na kaladkarin, si Bjorn, pumunta kami sa bahay nya, d'un kasi ang venue.
Pagdating namin d'un, tama lang, eating time na...daming pagkain! Take note, vegetarian dishes....dami talaga!
Enjoy! Busog!
Tapos, pahinga, chicka...tapos simula na konting presentation, kung ano "inner dance"...then, maraming tanong! 'buti, dala ko trusted kong flash drive at pinanood ko na lang n'ung "dancer within" na video.
Tapos, as usual, "minasahe" ko lahat ng tao d'un...mga mahigit 20 siguro...
Tapos, n'ung nasa panghuli na kong minamasahe, si Sam (isa sa mga graduate student, na parati ko na rin siyang namasahe), malapit lang at tumutugtog kasi n'un 'yung kaibigan ko na si Bjorn ng wooden xylophone na nakita nya lang d'un, medyo naging "kakaiba" na 'yung masahe ko sa kanya. Mas madalas na pinagagagalaw ko na ng katawan niya, ika nga eh, pinapagiling!
Para talagang sumasayaw na siya sa saliw ng tinutugtog ni Bjorn.
Ang ginawa ko, pinuntahan ko si Bjorn at sinabi ko sa kanya, ituloy nya lang pagtugtog, tapos, ipikit nya mga mata nya, para 'di siya ma-conscious o mahiya o sa ginagawa nya.
Tapos, binalikan ko si Sam, sabi ko, ipikit nya mga mata nya, tapos pakinggan nya lang ang musika, namnamin, relax, at kung ang katawan nya eh parang may gustong gawin, gawin nya lang.
'yun nga nangyari, ilang segundo lang, nag-inner dance na siyang mag-isa!
Tapos, may nakaupo na ibang estudyante na nonood, tinanong ko kung gusto nya, umoo naman. Kaya ayun, pagkalipas ng ilang minuto, nag-inner dance na rin!
At eto ang nakakatuwa, kasi, 'yung musika, okay na ang tunog, may rhythm na at okay na pakinggan, paglingon ko kay Bjorn, nag-i-inner dance na rin pala siya! Hahaha! Tuwang-tuwa ako, kasi, kung pormal na aanyayahan ko 'yung mag-inner dance, di siya papayag at ookrayin nya lang ako. Kaso, nakapag-inner dance siya ng 'di oras, wehehehe!
Tapos, sumunod na rin 'yung isa pang estudyante (graduate student din), tapos si Ate Rina at si Ma'am Pam naman. Medyo alinlangan pa nga si ate Rina, kasi maliit 'yung lugar, baka daw magpagulong-gulong nanamn siya eh masagi 'yung iba. Sabi ko hindi, mag-a-adjust 'yan. Nag-adjust nga, naka-lotus sitting position lang siya, at upper body part nya lang 'yung nagsayaw ng husto.
Si ma'am Pam naman, una, nakatayo, at iwinawasiwas lang kamay sa likod ng estudyante, mayamaya, nag-inner dance na rin!
Apat 'yung sabay-sabay!
At siyempre, ako sa gitna, wehehehe....
Nang matapos na, sabi ko, pahinga muna, namnamin ang mga nangyari, at mayamaya ang QandA.
Iisa ang gusto ng lahat: TUBIG.
Tapos, 'yun, dami ngang tanong...okay naman daw.
Hehehe, aliw, sarap ng feeling!
Sunday, March 15, 2009
Ang sayaw Part 2
Hapon o pagabi na ako nakarating nga Batasan, Makilala,Cotabato. Mahigit dalawang (2) oras ang byahe galing
Pagdating ko d’un, naghapunan na muna’t nagpahinga ng kaunti, saka umakyat sa may Trinitas para mag-session.
Naroon ang isa ko pang kaibigan, si Rosalie o Rose kung tawagin namin ng Enigmata, at isa rin siya sa mga nag-facilitate ng inner dancing. The usual na set-up, malawak na lugar, patay ang ilaw, kandila lang ang ilaw, insenso o scented oil at musika.
May nauna na sa aking isalang, o nag-i-inner dancing na, ako medyo nainggit, sabi ko na lang sa sarili ko, ako din!
Ako na. Umupo sa sahig at ipinikit ang mata. Nagdasal, kasi parang medyo natakot ako. At Nakiramdam.
Nakiramdam.
Sa isip ko, wala namang nangyayari…tapos, may kumukurot-kurot pa sa ‘kin sa braso. May sumusundot-sundot pa sa likod ko. Kinakagat-kagat (?) ang talampakan ko.
Ako, nakiramdam lang.
Tapos, ang paa ko, pilit pinagagalaw. Pinagdampi ang mga pisngi ng mga talampakan namin at pilit na ginigiya ang aking mga paa para gumalaw. Ako, wala lang…pagbigyan. Nakakiniis na nga eh.
Wala pa rin.
Tapos, mayamaya, ng parang nainis na ko sa sarili ko, at walang nangyayari, hinayaan ko na nga lang. Inalis lahat ang nasa isip ko.
Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko! At biglang nagdilim. Maski naman nakapikit ka eh alam mo naman ang paligid mo kung maliwanag o hindi. Tapos, parang may disco lights. Patay-sindi ang mga ilaw at ang dami. Nasa spotlight yata ako? Tapos pulang araw? Nakatutok o nakatingin ako diretsa sa pulang araw? Iyan ang mga nasa isip ko n'un.
Gumagalaw ang kamay ko…kusa!
Bakit gan’un? Tanong ko sa sarili ko.
Nagpagulong-gulong ako sa sahig.
Pati mga paa ko gumagalaw na rin. Parang elisi ng helicopter ang mga paa ko! Umiikot!
At ako, umaangil!
Tapos, tumayo ako, at patuloy pa rin ang pagsayaw. Nag lambot ng katawan ko…teka, hindi ako marunong magsayaw, bakit malambot ngayon ang katawan ko sa pagsayaw? Tanong ko sa sarili ko.
Tapos, ang mga kamay ko, parang sa mga taga-Thailand ang sayaw. Parating wavy ang movement. Maski mga daliri ko, hindi ko makontrol, malantik na malantik! Tapos, parang mga elisi pa uli, umiikot ng mabilis ang mga kamay at braso ko!
At umaangil pa rin ako! Inis na inis!
…pero masarap….
Tapos, patuloy lang ang pagsayaw ko…tapos, sa isip ko, habang nakapikit pa rin, iba na ‘yung nakikita ko…malalim na balon…ang lalim-lalim! Hindi ko makita ang pinakailalim.
Tapos, parang gumaan uli, parang may flash ng kamera, dumilim uli at iba na uli nakita ko. Mga nakalutang na bato. Malalaking bato. Nakalutang. Nakahilera, parang asteroid belt…pati background, parang space. Tumingin ako sa paa ko, nakatayo pala ako sa isa sa mga malaking bato.
Tapos, may flash uli, dumilim na uli at nagmulat ako.
Unang salita ko, “pahinging tubig”.
Nakalimang basong punong-puno ng tubig, sunod-sunod kong nilagok. Pawisan at pagod na pagod ako.
Nang medyo nahimasmasan na ako, saka ko lang napansin, sa akin pala nakatingin ang lahat. Tapos, niyakap nila ako at mga nakangiti.
Pahinga muna…at siyempre puro tanong!
Sinabihan muna akong huwag mag-isip ng mga tanong, damhin at lasapin ko raw muna ang mga nangyari.
Naupo kami at ikinuwento sa akin ang mga pinaggagawa ko.
Grabeh, nakangiti lang ako…hindi ko akalain na gan’un ang mga pinaggagawa ko.
At hindi ako makapaniwala, nakapagsayaw ako!
Ang sarap ng pakiramdam at ang gaan ng katawan. Tapos, kapag nagsasalita ako, tungkol sa mga naranasan ko, kasabay ng paggalaw o pagsayaw ng mga kamay ko.
Mga tanong at kasagutan. Catharsis na pala ‘yung ginawa ko, sa porma ng pagkainis o pag-angil. Nag-out of body experience ako o astral travel daw ako. Sa space pa raw! Kasi planetang Saturn daw ‘yung lugar na pinuntahan ko base sa pagkakalarawan ko. Ang sarap ng pakiramdam.
Apat (4) na oras o maghigit pa pala akong walang tigil sa pagsasayaw noon.
Ang sarap ng tulog ko pagkatapos.
Kinabukasan, pumunta muna kami sa may hot spring sa itaas at meron d’ung parang maliit na swimming pool.
Kinahapunan, balik na uli akong
Kaya hanggang
Heps, may nangyari pa pagkatapos, pero sa susunod na uli….
Friday, March 6, 2009
May napasayaw ako!
Doon kami sa bahay ng kaibigan ko, si Pam, nag-session. Medyo malawak kasi eh. Tapos siya at 'yung kapatid nya na si Rina ang nagsayaw.
Okay nga nag nangyari eh...nagsindi lang ako ng scented candle, tapos pinatay ko na ang ilaw. Nagpatugtog ng musika na medyo meditative ang dating - ang napili namin, "songs of the whales". Pinaupo ko na sila, tapos si Rina, sabi ko, relax lang. Huwag mag-expect ng kung ano pa man. Huwag matakot. Mag-relax lang na parang natutulog, tapos kung may gustong gawin ang katawan niya, gawin nya lang.
Abah, ilang segundo lang eh, habang pinapatugtog ko ang isang instrumento na parang batingaw eh, biglang nag-trance na si Rina!
Gumagalaw na ulo nya, pati mga kamay at pagkatapos ay nahiga sa sahig at nagpagulong-gulong na!
Dati-rati, kapag nagpapa-session ako, medyo nahihirapan at naiirita ako, kasi ang hirap pasayawin, eh ngayon, ang bilis!
Tapos, 'yung kapatid nya rin, si Pam...pag-upo at pagpikit ng mata, trance na rin! Nag-inner dance na kaagad!
Ang ganda ng mga sayaw nila!
Naka-isang oras kami ng pagsasayaw, tapos discussion na ang mga sumunod...
...iisa parati ang tanong: bakit o paano daw siya nagsayaw?
Hahaha, kalipay kaayo!
Ang inner dance kasi, mas maiging maranasan kaysa ipaliwanag!
Thursday, March 5, 2009
Iba pang gawa ko at si nicky!

...unnnhhhh, "untitled" na muna ang pangalan nito....
Tapos, ito naman ang pinagkakaabalahan ko ngayon, medyo malabo ang kuha, pero malaki 'yan tapos kumbinasyon ng malalaki at maliliit na "inner dance cells" (pero ang tawag ni Gerry eh "swerlies")...actually, isang cell, isang inner dance, kaya talagang powered up ako habang ginagawa ko ito! Ang titulo nito eh "Inner dancing: Women".
At bakit kanyo iyun ang titulo? Sabi kasi ng lahat ng nakakita na, iyun ang sinasabing nakikita nila, kaya sinunod ko na rin, hehehe....

"Inner dancing: Women"...kailangan ko pang i-translate sa bisaya o ilonggo...3ft x 4ft naman ang laki nito!
Tapos, nito lang miyerkules, naimbitahan ako sa isang talk ni Mr. Nicanor "Nicky" Perlas, at okay naman ang kinalabasan. As usual, kulang na naman ang oras basta si Nicky ang nagsalita at ang DAMI-DAMI mong gustong itanong...well, magkakaroon naman ng mga follow-up na talks pa, kaya marami pang magiging pagkakataon.
Naitanong ko naman ang gusto ko, pero gusto ko siyang makausap at maka-session sa inner dance...ano kaya ang mangyayari kung sakali?

Ako at si Fafah Nicky!